Chapter 33 - Let's just end it

340 7 0
                                    

Chapter 33 - Let's just end it

[Julienne's POV]

"Maghiwalay na tayo."

[Now playing: Dehado by Maldita]

Ramdam kong bigla siyang napatigil at napatingin sakin.

"Ano?"

"Ang sabi ko," I looked at him. "Maghiwalay na tayo." Halatang gulat siya sa narinig niya. Nakatingin lang siya sakin.

Mga five seconds bago siya nagsalita.

"Nababaliw ka na ba?"

"Seryoso ako Stephen. Hindi mo ba nakikita? Maghiwalay na tayo."

"Hoy. Gutom ka pa ba? May natira pang pagkain do'n, kung gusto mo, kainin mo na."

"Stephen--"

"Alam mo ba kung anong sinasabi mo? Halos dalawang buwan pa lang tayong kasal, gusto mo na agad makipaghiwalay?"

"Para naman maging masaya ka na. Para.. makawala ka na. Para.. makasama mo na kung sino talaga 'yong mahal mo."

"Ano? Ugh. 'Yon? 'Yon 'yong dahilan mo?"

"Hm. Bakit? May iba pa bang dapat na dahilan? Ikaw si Stephen Prieto at ako si Julienne Larosa. Hindi tayo bagay. Hindi tayo magkalevel. Pero pilit nila tayong ibinabagay sa isa't-isa. May iba kang mahal at ako.. ayokong kaawaan 'yong sarili ko dahil do'n."

"Alam mo sa tingin ko, may kung anong mali sa utak mo ngayong gabi. You're acting really weird."

"Bakit? Ayaw mo? Diba dapat matuwa ka? In the first place ayaw mo naman talaga sakin diba? Ako na'ng bahalang magpaliwanag kina TIta Becca at sa iba. Saka.. para matapos na. Para makabalik na tayo sa dati nating buhay."

Nakatingin lang siya. Seryoso ako. Unti-unti na din kasi akong naaattach sa kaniya. Kaya mas mabuti na 'to. Bago ko pa malabag 'yong huling rule.

Seryoso din siyang nakatingin sakin. Hindi ko mabasa kung anong iniisip niya. Pero ako, naluluha na, tinatago ko lang.

"Sige. Kung yan yung gusto mo. Maghiwalay na tayo."

Ugh.

Ang bilis naman yata niyang.. sabagay. Ano bang ineexpect mo Julienne? Of course papayag siya agad. Baka nga matagal na niyang hinihintay na sabihin mo 'yon eh.

Napatigil at napatingin na lang ako sa kaniya. Tapos tumayo na siya at pumasok sa loob. Wala na siyang ibang sinabi.

Bakit biglang kumirot 'yong dibdib ko? Dahil ba pumayag siya agad? Dahil ba mukhang okay lang siya? Nasasaktan ba ko dahil mas napatunayan ko ngayon na talaga ngang mahalaga si Clarisse at kahit na anong mangyari, si Clarisse talaga ang pipiliin niya?

Hindi ko namalayang tumulo na yung luha ko.

Hindi ko naman kasi inakala na gano'n na lang 'yon. Na gano'n na lang kadali. Bakit gano'n? Talaga bang gano'n na lang 'yon kadali? Hindi man lang siya kumontra.

Sige. Tapusin na natin 'tong kalokohan na 'to. Nakakapagod din pala.

Pumasok na din ako sa loob kasama si Cider. Pagkaakyat ko, napatingin ako sa pintuan ng kwarto niya. Padaliin nalang natin lahat. Wag na nating hintayin na mahirapan pa tayo.

Dahil nga sarado na 'yong kwarto niya, sa kwarto ko natulog si Cider ngayong gabi. Pero gabi na, nakatulala pa din ako. Paano ko ipapaliwanag sa kanila? Paano ko sasabihin? Anong sasabihin kong dahilan? Hay bahala na.

You are the oneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon