Chapter 4 - Date?
[Julienne's POV]
"Girlfriend mo ko Stephen! Pero kahit na isang beses hindi mo ko naipakilala sa parents mo as your girlfriend! It hurts a lot. I HATE YOU! Tapos ngayon malalaman ko na ikakasal ka na?! What the hell?! Is she that girl na sinundo mo dito the other day? Siya ba ha?"
"Yeah."
"Ugh. Alam mo, hindi ko alam kung.. anong dapat kong gawin. Wala akong laban sa parents mo. Hindi mo nga ako kayang ipaglaban diba? So what can I do? Inarrange kayo at siya yung gusto nila para sayo. May magagawa pa ba ko? Wala na."
I can hear her voice cracking.
Ohmygod.
Si Stephen.. may girlfriend pala siya. Girlfriend niya yung pinakamagandang babae dito sa campus.
Anong laban ko sa kagaya niya?
"I'm sorry Clarisse. Alam mong hindi ko 'to gusto."
"I will still wait. I believe in you. I believe in us."
Bigla silang natahimik. Nung sumilip ako, nakita kong niyakap ni Stephen si Clarisse.
Bakit may kakaiba kong nararamdaman? Siguro dahil nga siya yung mapapangasawa ko, ang awkward para sakin ng eksenang 'to.
Kaya naman pala kung makatitig 'tong si Clarisse kanina, parang papatay na.
Sumandal ulit ako dun sa pader at di makapaniwala sa mga nangyayari.
Aalis na sana ko pero paglingon ko sa kanan ko--ugh!
Nakita ko si Stephen na nakatingin sakin.
Ugh!
"Anong ginagawa mo dito?"
"Ugh. Hoy. Exucse me ah? Dito ako nag-aaral! Ikaw nga dapat 'yong tinatanong ko kung anong ginagawa mo dito eh!"
"Psh. Anong narinig mo?"
"Hm?"
"Bingi ka ba?"
Sumilip ulit ako dun at wala na dun si Clarisse. Mukhang sa kabila siya dumaan.
"Oh ano?" Tanong niya.
"Alam mo, hindi ko naman talaga sinasadya na marinig 'yong pag-uusap niyo."
"Hindi mo sinasadyang tumigil dito para makinig?"
"Aish. Eh ano ngayon? Oo narinig ko nga! Narinig ko na girlfriend mo si Clarisse. Sa tingin mo ba may pakialam ako?!"
"Ugh. Hoy." Sabay pitik sa noo ko. "Siguraduhin mo lang na walang ibang makakaalam nito."
"AHA! May pang-blockmail na ko sayo!"
"What?!"
"Dapat magpakabait ka kasi kung hindi, ipagkakalat ko sa buong campus 'yong narinig ko!"
"Fine! Sinong mapapahiya? Ako ba? Sa tingin mo anong sasabihin nila kapag nalaman nila na 'yong asawa mo, may iba pang girlfriend."
Natahimik naman ako bigla. Oo nga 'no.
"Oh ano naman?! Iisipin naman nila na playboy ka!"
"Arranged lang naman tayo diba? Kaya maiintindihan nila ko."
Ugh. What the.
"Oh ano alien? Talo ka na?"
"Eh may girlfriend ka pala. Bakit hindi mo na lang sabihin sa mga magulang mo para matapos na 'to?"
BINABASA MO ANG
You are the one
RomancePaano kung paggising mo isang umaga, malaman mo na lang na ikakasal ka na pala sa taong hindi mo naman kilala? Dalawang magkaibang mundo ang pilit na pinagtagpo. Dalawang taong pinagtagpo nang dahil sa isang kasunduang nabuo. Magkasundo kaya sila? O...