Chapter 10 - Too much attention

342 7 0
                                    

Chapter 10 - Too much attention

[Julienne's POV]

"HI JULIENNE!"

"Julienne! Hello!"

UGH! Julienne! Julienne! Julienne! Kanina pa kayo tawag ng tawag sa pangalan ko!! Tsch.

Nagmamadali akong tumakbo papasok ng classroom. Natahimik 'yong buong klase nang makita ako. Maya-maya..

"HI JULIENNE!"

O__O

-____-

"Uy uy uy! Lika dito dali!"

Hinila agad ako ni Eulla at pinaupo.

"Oh ano?" -Eulla

"Anong ano?"

"Magkwento ka dali!" -Shane

"Ano bang ikukwento ko?"

"Anong feeling ng.. si Stephen Prieto ang asawa mo?" -Eulla

"Ah--" Magsasalita na sana ko pero napansin kong nakapalibot na samin 'yong mga kaklase ko. Ugh. Ano ba naman 'yan! Hot topic ako ngayon at ang pagpapakasal namin ni Stephen.

"Hoy tumabi nga kayo! Alis diyan alis! Ely tara!"

Hinila ako ni Eulla palabas ng classroom at dinala sa field.

"Oh dito na tayo mag-usap. Sagutin mo na 'yong tanong ko dali."

"Wala naman 'no. Gano'n pa din. Medyo.. nag-iba nga lang dahil nakatira na ko ngayon sa malaking bahay."

"Uy balita ko hinatid ka daw niya ah!" -Shane

"Hm."

"Aaah! Ano, sweet ba siya sayo?" -Eulla

"Sweet?! Ugh. Ampalaya! Mas malala pa sa ampalaya! Napakasungit!"

"Ha? Hindi ba kayo magkasundo?" -Shane

"Nag-uusap naman kami. Kaya lang lagi niya talaga kong sinusungitan eh."

"Baka gano'n lang talaga siya. Baka nahihiya pa siya sayo." -Eulla

"Nahihiya?! Nahihiya pa siya ng lagay na 'yon ah!"

"Pero kahit na 'no. Asawa mo naman siya." -Shane

"Asawa ko nga siya. Iba naman 'yong mahal niya."

"Duh? Oo nga mahal niya si Clarisse. Pero ikaw 'yong asawa! Mas may karapatan ka!" -Eulla

"Hay. Ewan ko sa inyo. Bahala kayo. Oo nga pala, ang weird ng mga tao ngayon. Kanina pa nila ko binabati, kinakamusta, may nagbigay pa nga ng cookies. Gusto din nilang makipagkaibigan sakin. Dahil lang ba kinasal ako sa isang Prieto papansinin na ko ng lahat ng tao dito sa Brennan?"

"Oo! Ayaw mo ba no'n?" -Shane

"Ayoko! Alam niyo namang ayokong nakakakuha ng masyadong atensyon diba? Okay na ko sa kaunting kaibigan. Saka, oo may mga babae nga na gusto akong kaibiganin dahil asawa ko na si Stephen pero may mga babae naman na gusto ako kalbuhin sa inggit."

"Hayaan mo na 'yong mga inggiterang 'yon! Wala naman na silang magagawa 'no." -Eulla

"Oo nga! Asawa mo na si Stephen ngayon! Isa ka nang Prieto!" -Shane

"Hindi ko alam kung dapat ba kong matuwa sa bagay na 'yon."

"Syempre naman dapat matuwa ka no! Mag-iinarte ka ba? Pang miss world ba yang beauty mo para mag-inarte ka pa sa isang Stephen Prieto?!" -Eulla

You are the oneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon