Chapter 35 - Brown out o black out?

318 8 0
                                    

Chapter 35 - Brown out o black out?

[Julienne's POV]

Pagkatapos ko mag-ayos, bumalik na ko sa kwarto at itinuloy 'yong paggawa ng assignment ko. Sana naman wag na niya kong istorbohin.

After 15 minutes, sa wakas! Nag-inat ako at patayo na sana ko nang biglang namatay lahat ng ilaw. Ugh! Takot ako sa dilim!

"Aaaaaahhh!" Napatakbo ako sa labas ng kwarto--

"Ugh! Ah!"

"Ah!"

Wait, tumatakbo din ba siya palabas ng kwarto niya?! Nagkabanggaan kami at natumba sa sahig.

"Ano ba?!" Sabay naming sigaw. Napahawak ako sa noo ko na nauntog sa kaniya. Sakit!

"Bakit ba tumatakbo ka?!" Tanong niya.

"Tumatakbo ka rin naman ah! Teka nga.. natatakot ka ba?" Asar ko.

"Ano?!"

"Natatakot ka 'no?! Hahaha!"

"Hoy sinong nagsabing--"

"Hahahaha!"

Napatigil ako sa pagtawa dahil tumigil din siya sa pagsasalita.

"Oh bakit?" Tanong ko.

"Tsch. Wala!" Naupo na lang kami do'n dahil hindi naman namin alam kung saan kami pupunta.

"Wala tayong kandila. Diba?" Tanong ko.

"Hm. Wala naman tayong binili."

"Kunin mo na lang 'yong flashlight."

"Ayoko nga. Tinatamad ako."

"Takot ka lang eh."

"Tinatamad ako . Kung gusto mo ikaw na lang--"

"Hay ano ba kasing nangyari? Hindi ba tayo nakakabayad ng kuryente?"

*Blag*

"Ah! Ano 'yon?!" May ingay kaming narinig kaya napalapit ako sa kaniya.

"Baka halimaw. Hinahanap ka."

"Ewan ko sayo."

Natahimik kami nang bigla akong may naisip.

"Teka Stephen. May tanong ako."

"Ano nanaman?"

"Brown out o black out?"

"Ano?"

"Kasi diba, brown out.. eh di puro brown? Diba dapat black out kasi puro black?" Bata pa lang ako, tanong ko na 'yon. Ano ba talaga?

"Tsch. Anong klaseng tanong 'yan? Kung ano-anong naiisip mo."

"Pero--"

"Pero may point ka. Black out dapat ang tamang term, diba?"

"Hm. Pero nasanay na tayong brown out. Pero bakit nga ba brown? Sino bang nagpauso no'n?"

"Malay ko!"

*Blag*

"Ugh! Ayan nanaman!" Kaya naman lalo pa kong sumiksik sa kaniya.

"Stephen. May multo ba dito? Pano kung may multo pala sa bahay na 'to?!"

*Blag*

"Ah!--"

"Arf!"

Whew! Nakahinga ko ng maluwag! Si Cider lang pala. Naupo siya sa tabi ni Stephen at doon natulog.

You are the oneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon