Chapter 72 - Akin ka na lang

339 4 0
                                    


Chapter 72 - Akin ka na lang

[Julienne's POV]

"Julienne."

Hanggang sa classsroom, tulala ako. Panahon na nga ba para malaman ni Tyrone? Hay.

"Julienne."

Pero, ano nang mangyayari pagkatapos nito? Saka, sasama ba ko nang hindi nagpapaalam kay Stephen?

"Julienne!"

"Ay palakang pula!"

"Is your mind flying somewhere else?"

"Ma'am?"

"I said, read the first paragraph."

"Ay, opo." Tumingin ako sa katabi ko at bumulong ng, "Anong page?"

Vacant.

"Lutang ka 'teh?" -Eulla

"Anong arte nanaman 'yan? Dahil aalis si Stephen at tatlong araw siyang mawawala, kaya ka nagkakaganyan?" -Shane

"Hindi. hindi 'yon. Eh kasi, niyaya ako ni Tyrone na kumain ng dinner sa labas mamaya."

"Talaga?! Date?" Sabay pa sila.

"Ang sabi niya, kinda."

"Ayan ha. Porket wala si Stephen ah." -Eulla

"Eulla, hindi naman gano'n 'yon. Ano lang, kasi.. biglaan."

"Alam ba ni Stephen 'yan?" -Shane

"Hindi. Wala akong balak na sabihin sa kaniya. Magagalit lang 'yon eh. Saka, for friendship lang 'yon. Walang ibang ibig sabihin 'yon."

"Talaga lang ah." Sabay nilang pang-aasar na may kasama pang pagkurot sa bewang ko.

"Girls, wala akong panahon sa mga ganyan."

"Kasi loyal ka kay Stephen? Loyal ka sa taong hindi ka naman gusto?" -Eulla

"Alam mo, okay lang naman eh. Hindi ka namin isusumbong, promise. Sus, alam na alam namin kung gaano ka kapatay na patay kay Tyrone mula no'ng umpisa pa lang." -Shane

"Kaya lang nga, biglang dumating si Stephen. Na-fall ka sa kaniya kaya lang hindi siya handang saluhin ka dahil may hawak pa siyang iba." -Eulla

"Enjoyin mo na lang, Ely. Hindi ka naman sigurado diyan kay Stephen eh. Baka isang araw, maghiwalay na kayo, kasi nga, hindi ikaw 'yong.. alam mo na? Gets mo na 'yon diba? Pero si Tyrone, malay mo naman diba? Malay mo." -Shane

"Hindi ko alam. Ayoko naman na magmukhang ginagawa kong reserba si Tyrone para kapag iniwan ako ni Stephen, may matatakbuhan ako. Ayoko naman no'n."

"Speaking of 'Ang babaeng hawak ni Stephen kaya hindi ka niya kayang saluhin.' Nandiyan na siya." -Eulla

Napatingin kaming tatlo kay Clarisse na papasok ng cafeteria kasama ng mga kaibigan niya.

"Titignan ko pa lang si Clarisse, magegets ko na agad kung bakit hindi ako magugustuhan ni Stephen."

"Ano ka ba? Mukha lang ang meron 'yan. Pero kung sa ugali naman, kampi kami sayo 'no." -Shane

Pabalik na kami sa classroom nang tumawag si Stephen.

"Oh? Hello?"

"Paalis na kami."

"Oh. Oo nga pala. Wala ka bang naiwan?"

"Wala. Chineck ko na lahat."

"Hm. Sige--"

"Lumabas ka muna."

You are the oneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon