Chapter 88 - Ça va bien

725 6 3
                                    

Chapter 88 - Ça va bien

[Julienne's POV]

At doon na nga natapos ang usapan namin. Mukhang nagkaintindihan na kaming dalawa ngayon. Naiintindihan naman na niya siguro kung bakit ko napagdesisyunang makipaghiwalay na, diba? Nagsorry na siya sa lahat. Okay lang. Hindi naman talaga niya kailangang humingi ng tawad eh.

Ako pa nag dapat 'yong magsorry dahil sa gulong ginawa ko sa buhay niya.

Kinabukasan. Umuwi na ko samin. Sinalubong ako ng mahigpit na yakap ni Mama't Papa. Kaya naiyak nanaman ako. Iyak lang, Julienne. Hanggang sa maubos na.

"Sssh."

"Mama.. sabihin niyo naman sakin na magiging okay lang lahat. Sabihin niyo sakin na tama 'yong naging desisyon ko." Sabi ko habang umiiyak at nakayakap sa kaniya.

"Magiging okay lang lahat, Ely. Tama ;ang 'yon para.. maging okay ka na."

"Sorry Ma, Sorry Pa. Sorry po."

"Bakit ka naman nagsosorry? Ano bang maling ginawa mo?" -Papa

"Dahil sumuko ako agad. Sorry dahil hindi ko nagawang panindigan 'yong hiling ni Daddy Alex sa inyo 20 years ago."

"Hindi mo kasalanan. Siguro nga, mali din na pumayag ako. Mali na pinilit ka namin."

Bumitaw na ko at nagpunas ng luha tapos nagfake smile.

"Simula ngayon, dito na po ulit ako. Balik na tayo sa dati."

Ngumiti sila.

"Okay ka lang ba talaga?"

"Opo.. siguro?"

"Nandito lang naman kami eh. Susuportahan ka namin, kung ano man 'yong maging desisyon mo."

"Ano nang balak mong gawin ngayon?" Singit naman ni Kuya.

"Ewan. Ah.. baka, magpart-time job muna ko ngayong summer vacation."

"Hindi na. Dito ka na lang sa bahay." -Papa

"Hindi, okay lang po. Wala naman akong magagawa kung dito lang ako. Pampalipas oras ko na din 'yon para di ako masyadong.. malungkot."

Dito na ulit ako. Balik na sa dati. Susubukan kong.. mag-move on as soon as possible. Okay, go!

Lumipas ang isang linggo. Gaya nga ng inaasahan, bumalik na sa normal 'yong buhay ko. Paminsan-minsan, syempre nalulungkot pa din ako. Pero kinakaya ko. Kailangan kasi eh. Dumalaw din sina Shane at Eulla para pagalitan ako. Pero okay naman na sa kanila ngayon dahil ito naman na daw 'yong naging desisyon ko.

"Hoy. Ano, kailan ka ba mag-uumpisa sa trabaho mo?" -Kuya

"Next week pa."

"Kaya mo ba 'yon?"

"Oo naman 'no! Ako pa." Nag-apply akong crew sa isang fastfood chain.

"Ely, halata naman sayo na hindi ka pa okay eh. Nandito ka naman sa bahay kaya hindi mo kailangang magpanggap."

"Kuya, eh kaya ko nga ginagawa 'to para maging okay na ko."

"Kaya mo ba talaga? Eh gabi-gabi umiiyak ka."

"Sa umpisa lang 'yon. Makakaya ko din 'yan."

Naputol 'yong usapan namin nang biglang may kumatok.

"Ako na." Sabi ko. Tumayo ako at binuksan 'yong pinto--ugh.

"M-mommy Becca. L-lola.."

"Hi, Julienne. Kamusta?" -Mommy

"Ayos lang po. Ah. Pasok po kayo. Pasensya na, hindi pa po kasi ako nakakapaglinis eh."

You are the oneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon