Chapter 44 - Scholarship sa Paris

257 6 0
                                    

Chapter 44 - Scholarship sa Paris

[Julienne's POV]

"Okay lang naman sayo, diba Julienne?"

"Huh?" Hindi. Syempre hindi! Magkasama nanaman kayo? Ano bang tingin mo sakin? Porket ikaw yung mahal niya, magte-take advantage ka na? Hindi mo pa din ba alam kung hanggang saan ka na lang dapat ngayon?

"Ah.. oo naman. Okay lang."

Pero 'yon na lang 'yong nasabi ko. Wala nang iba. Sa dami ng gusto kong sabihin, 'yon lang yung lumabas sa bibig ko.

Hindi ako makapagdemand. Hindi ako makatanggi at makapagreklamo sa ginagawa niya. Dahil siya si Clarisse at ako lang si Julienne.

Wala akong magagawa.

She smiled sabay sabing, "Oh ano Stephen? Let's go?"

Nagkatinginan pa kami ni Stephen bago siya tuluyang hilahin ni Clarisse palayo.

Nakakainis. Gusto ko siyang pigilan at sabihing, 'Wag kang sumama sa kaniya, Umuwi na lang tayo'. Pero hindi ko magawa.

Hay Julienne. Weakling ka talaga.

"Bakit naman hinayaan mong sumama siya do'n?" -George

"Julienne! Ano ba?! Dapat pinigilan mo! Dapat sinagot mo na!" -Eulla

"Hindi ka dapat pumayag na sumama si Stephen sa kaniya! Nakakainis ka naman eh!" -Shane

"Okay lang. Wala 'yon. Hayaan na lang natin sila." Sabay ngiti. "Tara na. Umuwi na din tayo."

"Ihahatid na kita."

"Sige."

Sumabay na ko kay Tyrone. Nagtaxi na lang 'yong tatlo pauwi.

"Kanina ka pa tahimik ah. Ano bang iniisip mo?"

"Wala."

"'Yong kanina ba?"

"Huh? Hindi ah. Wala 'yon."

"Kung hindi naman talaga okay sayo na sumama si Stephen kay Clarisse, bakit pumayag ka? Dapat sinabi mo na ayaw mo."

"Bakit ko naman gagawin 'yon? Kahit naman sabihin ko 'yon, kung gustong sumama ni Stephen sa kaniya, sasama siya."

"So dahil nga do'n kaya ang tahimik mo diyan?"

"Naiinis kasi ako sa sarili ko eh. Kasi, wala akong magawa. Kahit na naiinis na ko dahil lagi na lang silang magkasama, hindi naman ako makapagreklamo."

"Bakit naman? Pwede mo namang gawin 'yon. Kasal kayo ni Stephen. Karapatan mo 'yon."

"Alam ko. Pero hindi ako magkaron ng lakas ng loob para gawin 'yon. Kasi alam ko, na iba pa din si Clarisse. Ahh! Tama na nga wag na natin 'tong pag-usapan."

"Mukhang.. naaapektuhan ka na ah. Hindi ka naman ganyan dati."

"Sa tingin mo? Ang weird ko na ba? Feeling ko din eh! Parang nababaliw na yata ako." Tumawa lang siya. Si Tyrone na tumatawa sa mga sinasabi ko kahit wala namang nakakatawa.

Nakauwi na ko. Gaya ng dati, nag-gabi na, hindi pa din umuuwi si Stephen. Kumain na ko mag-isa. Hindi ko na siya hihintayin ngayon 'no.

Tapos nakipaglaro na lang ako kay Cider. Pero maya-maya akong tumitingin sa orasan. Bakit? Ewan!

Paikot-ikot na ko sa bahay tapos titingin ulit sa orasan, titingin sa labas ng bahay.

Lumabas na din ako ng bahay at naglakad ng pabalik-balik sa labas ng gate. Hay bakit ba ang tagal niya?! Sasaraduhan ko na sana ng gate at pintuan kaso may susi naman siyang dala. Tsch. Sayang. Matutulog sana siya sa labas kung nagkataon.

You are the oneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon