Chapter 47 - Hot issue
[Julienne's POV]
*RING RING RING*
Ugh. What the. Umaga na?
Kinuha ko yung phone ko, di pala 'to alarm. Tumatawag si Shane.
"Hello?"
"ELY!"
"Anak ng--bakit ka sumisigaw?!"
"Kakagising mo lang ba?"
"Hm. Ano bang problema?"
"Kung gano'n, hindi mo pa nababasa."
"Ang ano?"
"Ahh.. kasi.."
"Ano ba 'yon?"
"Mag-online ka para malaman mo."
"Ano nga 'yon?"
"Kalat na kasi sa internet na nakikipagdate daw si Stephen sa ibang babae--" Napadilat ako bigla.
"ANO?!" What the.
"Pinangalanan din nila na si Clarisse 'yon."
"Ano? Teka-- pa'no--"
Seryoso? Pa'no nangyari 'yon?
"Hindi ko din alam. Tignan mo na lang. Trending na sa twitter, pinag-uusapan na sa yahoo, facebook, instagram at tumblr." Wow. Gano'n kaOA? feeling ko hindi. OA lang talaga si Shane.
"Ano? Paanong--"
"Dalian mo na!" Pinatay na niya agad at kinuha ko na 'yong tablet.
Pagka-open ko pa lang ng yahoo, nakita ko na 'yong article.
'Stephen Prieto is dating another woman?' Ang headline.
Binasa ko na din 'yong laman ng article.
'Stephen Prieto, the only son of Prieto International and the one who is said to be the next to take over the company was seen with another girl a lot of times.' What.
'He was caught having a dinner date with another girl who's obviously, not his wife, Julienne Larosa-Prieto. Is he cheating on her? But they just got married almost three months ago. Are their relationship on rocks? A lot of witnesses say that they saw Stephen having fun walking around with this girl. And what more surprising is, that girl is Clarisse Montereal, the daughter of Montereal Corporation owners-- his ex-girlfriend.'
Wow pa'no nila nasagap lahat ng 'to?!
May mga pictures din silang pinrovide na nagpapatunay na si Stephen at Clarisse nga 'yong magkasama. Iba't-ibang araw. Sinusundan ba sila?
"Paano 'to kumalat ng gano'n kabilis?"
Nagbasa din ako ng ilang mga comments.
'Wow. Gwapo pa naman sana, babaero naman pala.'
'Kawawa naman si Julienne. Napangasawa nga niya si Stephen, niloloko naman siya.'
'Seryoso? Dahil ba marami siyang pera, gagawin niya na lang 'yon? Kawawa naman si Julienne.'
'He should learn the meaning of the word 'loyalty' tbh.'
'Mas bagay sila.'
'Ex niya? Ex na pala eh, Eh bakit umeepal pa din? Di ba niya alam na kasal na si Stephen?'
'Nakakahiya.'
'Galing nga siya sa magandang pamilya pero bakit ginagawa niya 'to? Ganyan ba kayong mayayaman?'
BINABASA MO ANG
You are the one
RomancePaano kung paggising mo isang umaga, malaman mo na lang na ikakasal ka na pala sa taong hindi mo naman kilala? Dalawang magkaibang mundo ang pilit na pinagtagpo. Dalawang taong pinagtagpo nang dahil sa isang kasunduang nabuo. Magkasundo kaya sila? O...