Chapter 8 - New house, new life

382 9 0
                                    

Chapter 8 - New house, new life

[Julienne's POV]

HAY! Ang sarap! Ang lambot lambot ng kama at ang lamig dahil sa aircon! Wooh! Ang ganda ng bahay nila!

Nag-inat ako bago umupo sa kama.

"Good morning twinkle. Nagustuhan mo ba dito? Ang ganda no?" I smiled tapos tumingin-tingin sa paligid. Tumayo ako at umikot sa kwarto.

"Wow. Kasing laki na ng bahay namin 'tong kwarto na 'to ah. Oh ano naman to? Kwarto sa loob ng kwarto?"

May malaking pintuan at binuksan ko 'yon.

"Ugh! Woah!" Walk-in closet!

Ang daming damit, sapatos, kwintas, hikaw, singsing, bracelet, bags, at kung ano-ano pa! Woah grabe nakakalunod!

"Sakin ba talaga lahat ng 'to? Ugh. Ang ganda." Napangiti ako at nag-ikot-ikot pa.

Hindi ako makapaniwala sa mga nakikita ko!

Nakaramdam na ko ng gutom kaya nag-ayos ako at lumabas ng kwarto. Kahapon kasi, hindi ko 'to nalibot dahil sa pagod, nakatulog agad ako pagkatapos ng reception.

Sa tapat ng kwarto ko, 'yong kwarto ni Stephen. Gising na kaya siya?

Grabe ang laki at ang ganda ng bahay nila. Parang hindi ako bagay sa lugar na to ah.

Naglakad-lakad ako at binabati ako ng mga katulong na nakakasalubong ko. Uy ang ganda no'ng chandelier!

"Ay! Oh! Hi!"

Umaatras kasi ako kaya nabangga ko si Stephen.

"Buti nagkita tayo!" Sabi ko.

"Ano?"

"Akala ko kasi next week pa tayo magkikita sa laki ng bahay niyo eh."

"Tsch. Ano bang ginagawa mo?"

"Naglalakad-lakad. Grabe ang laki naman kasi ng bahay niyo. Buti nagkakakitaan kayo dito no?"

"Psh. Ano bang akala mo dito sa bahay namin, park?"

"Ang ganda talaga. Saka.. ang linis linis. Minuto-minuto siguro 'tong nililinis."

"Masaya ka ba?" Bigla niyang tanong. 'Yong tono ng pananalita niya nakakainis.

"Huh?"

"Wala." Tapos naglakad na siya palayo.

"Ah. Wait! Stephen."

"What?"

"Nasan ba 'yong kusina niyo? Nagugutom na kasi ako eh."

Nagsmirk siya at umiling tapos naglakad na kaya sinundan ko na lang siya.

"Bakit mo ba ko sinusundan?"

"Eh--"

Magsasalita pa lang sana ko pero naglakad na ulit siya kaya sumunod ulit ako. Nakarating kami sa kusina--Wow! Ang daming pagkain!

"Oh gising na pala kayo! Halika, maupo na kayo, mag-almusal na tayo."

Ugh. Parang may handaan sa dami ng pagkain. Eh kami lang naman ang kakain nito.

"Ah.. good morning po tito. Good morning tita."

"Good morning."

Umupo na kami.

"Nakatulog ka ba ng mahimbing?" -Tita

"Opo! Ang sarap nga pong matulog do'n eh. Ang lambot nung kama saka ang lamig."

You are the oneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon