Chapter 73 - Ate Toni

332 6 5
                                    

Chapter 73 - Ate Toni

[Julienne's POV]

Nag-aayos ako ng mga gamit ko sa locker nang biglang may kumalabog kaya napalingon ako.

Si Tyrone pala na hinmapas 'yong kabilang locker.

"Busy?"

"Ang dami kasing kailangang gawin eh. Tapos sunod-sunod 'yong deadline. Malapit na rin 'yong finals."

"Projects? May.. maitutulong ba ko?"

"Naku hindi na. Okay lang. Kaya ko na. Hehe."

"Sure?"

"Sure." Sabay awkward smile. "Sige ah. Una na ko. Marami pa kong kailangang gawin." Tumalikod na ko pero napahinto nang magslaita siya.

"Thank you."

"Huh?" Humarap ulit ako.

"Thank you for last night. You don't know how happy I am. Salamat sa time."

"Ano ka ba? Wala 'yon 'no! Ito naman, parang 'yon lang. Sige na! Bye!" I smiled at nagpatuloy na sa paglakad.

Nagpunta ko sa library para magresearch tungkol sa case study na pinapagawa samin. Para na kong nerd nito dahil ang daming libro na nakakalat sa harap ko. Dumating na din sina Eulla at Shane at sabay-sabay kaming nagresearch. Itong si Shane, dumudugo na 'yong utak. Hindi na daw niya kaya.

"Case study, templates, quizzes, assignments, final exams.. ano pa ba? Hay ayoko na!" -Shane

"Ssh! Nasa library tayo."

"Pwede ba kaming pumunta sa bahay niyo? Sama-sama na nating gawin lahat ng 'to doon." -Eulla

"Sige ba! Magandang idea! Wala si Stephen kaya wala akong kasama so, okay lang siguro na doon na natin gawin lahat ng kailangang gawin."

"Yes! May libreng pagkain!" -Shane

After class nga, nagpunta sila sa bahay para dito gawin 'yong mga projects at assignments namin. Kumha lang ako saglit ng juice at cookies sa kusina tapos pagkabalik ko, nabautan ko silang tinititigan 'yong malaking wedding picture namin ni Stephen na nasa sala.

"Wow. Alam mo, bagay kayo ni Stephen sa picture na 'to." -Eulla

"Parang totoo talaga ah" -Shane

"Infairness. Ang ganda niyong tignan. Kung may mga taong makakakita nito at hindi alam kung anong kwento niyo, iisipin nila na talagang nagmamahalan kayo." -Eulla

"Eh magaling umarte 'yang si Stephen diba? Major in performing arts. Tama na 'yan. Dito na kayo."

Sumunod naman sila sa akin. Nakasalampak lang kami sa sahig habang gumagawa at nanonood ng TV.

"Ang dami pala ng wedding pictures na pakalat-kalat dito sa bahay niyo ah. Meron pa do'n sa tabi ng TV oh." -Shane

"Para kapag dumadalaw sina Mommy Becca o kaya kapag may mga bisita, makikita 'yan."

"So, iyon talaga ang main purpose ng pagdisplay niyo ng mga picture na 'yan?" -Eulla

"Parang.. gano'n na nga."

"Ely, pwede bang dito ulit kami bukas?" -Shane

"Oo naman! Anytime naman pwede eh."

"Ano na nga palang balita kay Tyrone? Nakapag-usap na ba ulit kayo?" -Eulla

"Oo, kanina. Parang normal lang pero para sakin syempre, may something na nag-iba bigla diba? Hindi katulad no'ng dati na alam namin na magkaibigan lang kami at walang.. feelings? Gano'n."

You are the oneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon