Here it is! Sana suportahan niyo din 'to! Sorry kung medyo natagalan, busy na kasi sa school ang lola niyo. Haha.
FB group: https://www.facebook.com/groups/MHBMH
Anyway, enjoy!
___________________________________________________
Chapter 1 - Meeting the 'prince'
[Julienne's POV]
"KASAL?!"
Ganyan din ka-OA yung reaksyon ko nang malaman kong ipapakasal nila ko sa lalaking hindi ko kilala.
"Ano ba yan? Ang old fashioned naman!" Sabi ni Eulla, bestfriend ko.
"Dahil lang sa niligtas ng Papa mo yung buhay ni Mr. Prieto 20 years ago, napagkasunduan na nilang ipagkasundo ka sa anak niya?! Mygod." Sabi naman ni Shane.
"Oo! Ang korny diba? Hello? 18 pa lang ako at nag-aaral ako tapos ipapakasal na nila ko?!"
Hay.
I'm Julienne Larosa. 18. Tawagin niyo na lang akong Ely. Fine arts ang course ko dito sa Brennan University. 2nd year college pa lang ako at oo, kelan lang, nalaman ko na ikakasal na pala ko. Wow.
"Nakita mo na ba?" -Eulla
"Hindi pa. Pero.. makikilala ko siya bukas. Ipapakilala na daw nila kami sa isa't-isa."
"Paano na si Tyrone your loves?"
"Uhh! Naman! Si Tyrone 'yong gusto kong mapangasawa at makasama eh! Bakit ba kasi pinagkasundo pa nila ko?!" (Huhu!)
"Ely, malay mo naman gwapo at mabait yung mapapangasawa mo."
"Che! Paano kung hindi ko siya magustuhan? Nakakainis. Hindi ako makakontra sa gusto nila. Baka apihin lang ako dun. Hindi naman kasi kami ganun kayaman tapos ipapakasal ako sa kaniya? Eh 2nd largest conglomerate on Asia yung kumpaniya nila! Paano kung sabihin nila na pera lang yung habol namin?!"
Dating empleyado ni Mr. Prieto si Papa. Bodyguard siya ni Mr. Prieto sa kumpanya nila. Ang Prieto International.
Pero nagresign na siya dahil may sakit na din si Papa. Ang sabi niya, naaksidente daw yung sasakayn nila noon at si Mr. Prieto ang una niyang iniligtas. (Syempre, bodyguard kaya siya!) Kaya naman tinanaw daw yun ni Mr. Prieto na napakalaking utang na loob kay Papa.
Wala na daw maisip si Mr. Prieto na kapalit sa ginawa ni Papa dahil ayaw naman daw niyang tumanggap ng 3 million. Kaya ang sabi ni Mr. Prieto, ipakakasal niya daw yung magiging anak niyang lalaki sa magiging unang babaeng anak ni Papa.
Nagkasundo silang dalawa do'n!
Hay! Sana tinanggap na lang ni Papa yung 3 million eh!
"Hay! Ely, kung ako sayo, magpaganda ka na lang! Kailangan pretty ka bukas kapag nagkita kayo! Kailangan presentable!" -Eulla
"Ayoko! Hindi ako pupunta!"
"Ano?! Baliw ka ba? Gusto mo bang ma-disappoint yung parents mo? Lalo na yung Papa mo?"
"Pero.. kasi.. Ugh!"
Si Tyrone yung super duper crush ko dito sa Brennan. Gwapo, matalino mabait pa! Kahit na mayaman sila, hindi siya mapangmata. Friendly pa siya at matulungin!
Kaya ko nga siya nagustuhan eh.
Naglakad-lakad na lang ako sa field. Nakakainis. Parang ayoko nang umuwi samin.
"Nakanguso ka nanaman diyan."
"Tyrone!" Hah! Napangiti ako bigla!
"May problema ka nanaman ba?"
BINABASA MO ANG
You are the one
RomancePaano kung paggising mo isang umaga, malaman mo na lang na ikakasal ka na pala sa taong hindi mo naman kilala? Dalawang magkaibang mundo ang pilit na pinagtagpo. Dalawang taong pinagtagpo nang dahil sa isang kasunduang nabuo. Magkasundo kaya sila? O...