Chapter 70 - Wife duties
[Julienne's POV]
"Uuyy ang ganda niyan ah! Saan galing?" Tanong ni Eulla na gusto pang hawakan 'yong kwintas ko pero nilalayo ko kasi baka masira. Hehe.
"Bigay ni Stephen?" -Shane
Ngumiti ako na may kasamang pagtaas ng kilay. At ayon, parang mga palakang ginilitan ng leeg.
"Para saan daw? Bakit, anong meron?" -Eulla
"Eh kasi sabi niya, dahil daw hindi ako nakapunta mg Paris para makita 'yong Eiffel tower, 'yong Eiffel tower na lang 'yong dinala niya dito."
"Iihh sweet!!" Feeling ko matatanggal na 'yong braso ko sa pag-alog nila sakin.
"Uy tama na ano ba, nakakahilo." Pero habang sinasabi ko 'yon, natatawa ko sa reaksyon nila.
"Alam mo, kahit na arranged kayo, maswerte ka talaga. Biruin mo, si Stephen Prieto 'yon 'no." -Eulla
"Kahit na may iba siyang mahal?"
Natahimik sila.
"Eehh sabi ko nga. Nakita ko nga sila ni Clarisse sa mall kahapon eh." -Shane
"Nandoon daw siya sa mall para bilhin 'tong necklace. Nagkataon naman daw na nagkita sila do'n ni Clarisse."
"Naniniwala ka ba na nagkataon lang talaga 'yon? Baka naman gumagawa lang siya ng dahilan para magkita sila." -Eulla
Siguro. Malay ko. Hindi ko alam.
Nagkibit balikat na lang ako at nagfake smile tapos naglabas na ng libro para magbasa. Malapit na din kasing magfinals at kailangan ko nang simulang mag-aral. Although nasimulan ko nang aralin 'yong iba dahil 'dapat' iaadvance ko nga, diba?
Okay, nevermind.
After ng second class namin, inutusan ako ni Ms. Anne, professor namin sa humanities, na ipa-xerox 'yong hand outs na ipapamigay sa klase. Hay naku, ang haba pa naman lagi ng pila sa photocopy area.
Tapos 'yong dalawa kong magaling na kaibigan, hindi man lang ako sinamahan dahil ayaw daw nilang pumila ng matagal. Hay ang gagaling talaga!
Papila na ko nang matanaw ko si Tyrone na nakapila din. Yes! Buti may makakakwentuhan ako!
"Tyrone!"
"Oh! Hey Ely, wassup?"
"Wassup? Wassdown." Natawa siya. Okay, alam kong korny pero.. sige. Lagi naman talaga siyang natatawa sakin.
"Papa-photocopy ka?" Tanong niya nang makita niya 'yong hawak ko.
"Ah oo, hand outs. Ano 'yan?"
"Notes. Natulog lang kasi ako sa subject na 'to kahapon kaya wala akong notes. I just found out na may quiz pala dito bukas."
"Ano? Bakit naman natulog ka sa klase? May sakit ka ba?"
"No I'm just.. tired."
"Tired saan? Sa pagkakaalam ko wala ka namang ibang pinagkakaabalahan ah."
"Working out. Nakakapagod eh." Seryoso?
"Ah." 'Yon na lang 'yong sinagot ko tapos ngumiti siya. "Oh bakit?"
"Nothing. Narealize ko lang bigla na namiss kita."
"Ha? Paano? Lagi naman tayong nagkikita ah."
"I mean.. 'yong bonding natin, gaya ng dati."
Oo nga. Hindi na kasi kami nakakapagbonding mula no'ng umamin siya at nagalit si Stephen. Ngumiti lang ako, ano bang isasagot ko do'n?
Napansin ko na nakatingin siya sa kwintas ko tapos tumingin naman sakin.
BINABASA MO ANG
You are the one
RomancePaano kung paggising mo isang umaga, malaman mo na lang na ikakasal ka na pala sa taong hindi mo naman kilala? Dalawang magkaibang mundo ang pilit na pinagtagpo. Dalawang taong pinagtagpo nang dahil sa isang kasunduang nabuo. Magkasundo kaya sila? O...