Chapter 66 - MISSING!

653 10 4
                                    

Chapter 66 - MISSING!

[Pauline's POV]

"Bitawan mo ko! Ayoko pang mamatay!" Biglang may humila sa kaniya mula sa likod ko kaya naman nakahinga ko ng maluwag. Whew. Akala ko katapusan ko na.

Hinihingal pa kong lumingon sa likod ko-Stephen?! Tumayo pa 'yong lalaki at balak pa ulit akong lapitan pero hinila siya ni Stephn at sinuntok kaya nawalan ng malay.

Ugh. Grabe. Ibang klase.

Nilapitan agad ako ni Stephen.

"Ayos ka lang? Nasaktan ka ba?" Natataranta niyang tanong habang inaayos 'yong buhok ko. Hindi ako makasagot. Masyadong nakakabigla 'yong mga nangyari.

Napansin kong parang may nakatayo pa sa kanan namin kaya naman nilingon ko.

Si.. Clarisse. Magkasama ba sila?

"Julienne, ayos ka lang?" Tanong niya ulit kaya napatingin ako sa kaniya. Tinabig ko agad 'yong kamay niya at medyo lumayo.

"Ah.. oo. Ayos lang. Ayos lang."

"Sigurado ka?"

"Hm."

"Ano ba kasing ginagawa mo dito?! Alam mo bang kanina pa kita hinahanap?!"

"Pasensya na. Ayoko kasing-"

"Ano bang ginagawa mo dito? Bakit pumunta ka dito sa rooftop? Magpapakamatay ka ba?!"

"Ugh. Hindi ako magpapakamatay! Hindi mo ba nakita? Itong lalaking 'to!" Sabay turo do'n sa lalaking baliw na nawalan na ng malay dahil sa suntok ni Stephen. "Gusto pa kong isama sa pagtalon niya!"

"Ano?! Bakit ba kasi umakyat ka dito?!"

"Ayoko kasi sa ospital! Gusto ko nang umuwi! Saka saan ka ba nagpunta ha?! Ikaw kaya 'tong kanina ko pa hinahanap!"

"Eh bakit naman kasi umalis ka ng kwarto mo? Dapat hinintay mo na lang ako do'n!"

"Eh ayoko nga do'n eh!"

"Aish." Tinignan niya ko.

"Oh ano?"

Tumawag na din kami ng nurse na aalalay do'n sa lalaki. Nagkamalay naman na siya bago pa dumating 'yong mga nurse at talagang nagwawala siya dahil gusto na daw talaga niyang magpakamatay. Natakot pa ko no'ng titigan nanaman niya ko kaya umalis na kami do'n. Hay nakakatakot talaga siya! Parang sinapian siya ng masamang elemento! Grr.

Bumalik kami ni Stephen sa kwarto. Nakaupo ako sa kama at nakaupo naman siya sa harap ko.

"Alam mo bang sobrang nag-alala ko no'ng nakita ko na wala ka dito sa kwarto mo?! Alien ka talaga. Tignan mo ngang nangyari! Muntik ka pang mapahamak dahil sa kalikutan mo. Kung saan-saan ka kasi nagsususuot."

"Buti nga nakita ko siya eh! Eh kung hindi ako nagpunta do'n eh di tuluyan na siyang nagpakamatay."

"Tsch. Bayani ka na niyan?" Tinignan ko siya ng masama tapos natawa lang siya. Natawa pa!

"Okay ka na ba?" Hinawakan niya ko sa noo.

"Sa tingin ko nawala 'yong lagnat ko sa nangyari kanina. Sobrang natakot talaga ko eh. Akala ko hindi na ulit kita makikita."

Inayos niya 'yong buhok ko at ngumiti.

"Paano mo nga pala ko nahanap?"

"Hinanap na kasi kita sa kung saan-saan. Rooftop na lang 'yong hindi ko pa napupuntahan. No'ng malapit na ko, narinig ko 'yong boses mo kaya nagmadali ako."

"Buti na lang dumating ka. Kung hindi, baka makita mo na lang ako na duguan do'n sa baba."

"Alam mo sa totoo lang, feeling ko meron talaga kong superpowers eh." Sabay ayos ng buhok niya at ngiti. Kinurot ko nga sa abs-este, sa tiyan pala. (Na may abs lol)

You are the oneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon