Chapter 54 - Sugod bahay
[Julienne's POV]
Umattend na kami ng klase. Pero hanggang dito, iniisip ko pa rin kung ano bang ginawa ko. Totoo ba lahat ng 'yon? Aish.
"I don't know how much it affects you. Siguro nga ang selfish ko. I'm sorry."
SI Stephen. Sinabi niya talaga 'yon? Seryoso?
Wait! Wait! Ugh. Naalala ko na din 'yong eksenang hinalikan ko siya. Anak ng tupa ako nga yata talaga yung nauna!
Inuntog-untog ko'yong ulo ko sa desk. Hay nasiraan na ko ng bait.
Vacant. Nauna na sina Eulla at Shane sa cafeteria kasi inayos ko pa 'yong mga gamit ko sa locker. Susunod na sana ko sa kanila pero ramdam ko pa din 'yong hangover. Para pa din akong lumulutang.
Nahihilo pa din ako. Bakit ba kasi pumasok pa ko? Tapos hindi rin kumpleto 'yong tulog ko.
*Ugh!* Napatakip ako ng bibig. Uggh. Nasusuka ko!
Tumingin ako sa paligid. Hindi naman nila napansin--*Ugh*. Tumakbo agad ako papuntang C.R at dito sumuka. Hay ang sakit sa ulo!
Ayoko nang mag-inom ng gano'n karami. Bakit ba kasi naparami 'yong inom ko?!
Aish. Gusto ko nang umuwi di ko na yata kayang tapusin 'yong araw dito sa Brennan. Gusto kong matulog!
"Whew."
"Buntis ba siya?" Narinig kong sabi no'ng isa kaya napalingon ako sa kaniya. Ugh!
Tumingin din siya sakin at lumabas na sila ng C.R.
Tss. Buntis agad? Kapag sumusuka buntis agad?
"Ugh. Kagabi lang nangyari, buntis agad?! Tsch." Naghugas na ko ng kamay. Palabas na sana ko ng C.R pero bumukas 'yong isang cubicle.
Anak naman ng mantikang tulog oh! Si Clarisse!
"What did you just say?"
"Huh? Alin? May sinabi ba ko? Wala naman ah? Hehe. Secret!" Lumabas na ko ng C.R
Aish! Hindi na kasi dapat ako nagsalita!
"Hey!"
"Oh! Tyrone!"
"Okay ka na? Bakit naman nag-inom ka ng gano'n ha?"
"Huh? Pa'no mo.. nalaman?"
"Magkakasama kami nina Stephen kagabi. May tumawag sa phone niya. 'Yong bartender daw at pinapasundo ka."
"A-ano? Tinawagan no'ng bartender si Stephen gamit 'yong cellphone ko?"
"Hm."
"Ugh. Niloko pa ko ng unggoy na 'yon ah." Ang sabi niya umuwi akong gumagapang at kinalampag ko 'yong pintuan!
"Huh?"
"Ah.. wala. Wala." Sabay ngiti. "Bakit kayo magkakasama?"
"We're having a drink. Bonding."
"Ah. Kung gano'n nag-inom din pala siya no'ng gabing 'yon. Kaya naman pala."
"Kaya naman pala ano?"
"Wala 'yon kalimutan mo na."
"I think he doesn't really care. Pero siguro no'ng nakita niya 'yong lagay mo, nakapag-isip isip din siya."
"Nagsorry siya sakin kagabi."
"Talaga?"
"Hm. Kaso hindi ko alam kung nangyari ba talaga 'yon. Kasi.. lasing ako wala akong masyadong maalala."
BINABASA MO ANG
You are the one
RomancePaano kung paggising mo isang umaga, malaman mo na lang na ikakasal ka na pala sa taong hindi mo naman kilala? Dalawang magkaibang mundo ang pilit na pinagtagpo. Dalawang taong pinagtagpo nang dahil sa isang kasunduang nabuo. Magkasundo kaya sila? O...