Chapter 12 - Wedding pictures

302 11 0
                                    

Chapter 12 - Wedding pictures

[Julienne's POV]

Habang nasa sasakyan kami ni Tyrone.

"Pano kaya kung.. may makakita sa kanilang dalawa?" Tanong ko.

"Hindi naman siguro hahayaan ni Stephen na mangyari 'yon. Hindi niya ipapahamak si Clarisse."

"Sabagay. Saka.. kapag may nakakita no'n.. magmumukha akong kawawa."

"Bakit naman?"

"Maaawa silang lahat sakin. Dahil kinasal nga ako kay Stephen tapos iba naman 'yong gusto niya. Saka pagmumulan pa 'yon ng malaking issue."

"Oo. Sigurado 'yan. Kaya kung lalabas silang dalawa ni Clarisse, kailangan nilang mag-ingat."

"Pero.. pwede naman nilang sabihin na magkaibigan lang sila eh."

"Okay lang ba sayo 'yon?"

"Ang alin?"

"Na makita silang magkasama."

"Oo naman. Wala naman akong feelings para kay Stephen 'no. Kaya okay lang 'yon. Hindi ako affected."

Nakarating na ulit kami sa Brennan at umattend na ko ng klase.

"Sa'n ka galing ha? Bakit bigla ka na lang nawala?" -Shane

"Diyan lang."

"Weh?" -Eulla

"Diyan nga lang."

"Saang diyan?" -Eulla

"Diyan lang sa tabi tabi. Wag na nga kayong matanong."

"Nakipagdate ka no?" -Shane

"Ha? Kanino naman?"

"Kay Stephen?" -Eulla

"O baka naman kay Tyrone?!" -Shane

"Aish. Wag na nga kayong maingay."

"Di kaya si Stephen talaga 'yong kasama mo? Kanina kasi nakita ko 'yong kotse niya. May babaeng bumaba mula do'n pero di ko napansin kung sino. Ikaw ba 'yon?" -Eulla

"Ha? A-ah.. oo. Bakit?"

"Sabi ko na nga ba eh! Sino pa ba kasing--teka. Di kaya si Clarisse?" -Eulla

"Ano ka ba? Sinabi na nga niyang siya 'yon diba?" -Shane

Hay naku, mga 'to talaga.

Lalo lang dadami 'yong tanong nila kapag sinabi kong si Clarisse nga 'yon.

After class, nilagay ko na muna 'yong ibang libro ko sa locker ko. Palakad na ko pero nakita ko si Clarisse. Babatiin ko sana siya pero oo nga pala, ang sabi niya lumayo na muna kami sa isa't-isa.

"Julienne."

Oh bakit niya ko kinakausap ngayon?

"Ha?"

"Madalas ba kayong.. lumabas ni Tyrone ng magkasama?"

"Ano? Ah.. medyo. Magkaibigan naman kasi kami kaya madalas niyayaya niya kong kumain sa labas. Bakit?"

"Wala naman. Mukhang.. close nga talaga kayong dalawa. Anyway, hindi naman big deal sayo na nakita mo kami kanina ni Stephen na magkasama diba?"

"Oo naman! Wala akong pakialam do'n. Sige na. Ang sabi mo kasi, wag tayong masyadong mag-usap dito." Naglakad na ko palayo. Aba, taray ko do'n ah! Ganda-gandahan!

Lumabas na ko ng Brennan at oo nga pala, hindi naman ako susunduin ni Stephen kaya uuwi na lang ako mag-isa.

Naglakad na ko para makasakay ng taxi--*Beep*

You are the oneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon