Chapter 29 - Sleep talking
[Julienne's POV]
Kung siya 'yong Stephen na mabait at maalaga na lagi kong nakikita, malamang na-fall na ko. Pero dahil sa biglaang mood swings niya, nagbabago din 'yong isip ko. Tsch.
"Alam mo bang ang bigat mo na? Magdiet ka kaya?" Sabi niya.
"Huh?"
"Hindi mo nga talaga natatandaan. Aish."
"Bakit ano ba 'yon?"
"Ugh. Binuhat kita kagabi papunta sa kama mo dahil do'n ka nakatulog sa study table. Para kong nagbuhat ng isang buong baboy."
"Ano?! Anong sinabi mo?! Baboy?!" Tignan niyo nga!
"Oo. Isa pa.. may kung ano-ano kang sinasabi kagabi pagkahiga mo sa kama."
"Ha? Ano 'yon? Anong sinasabi ko?"
"Wala kalimutan mo na."
"Hoy sabihin mo na! Wala akong matandaan! Ano bang sinabi ko? Weird ba 'yon? Dapat ko bang ikahiya? Nagsabi ba ko ng sikreto?" Naglakad siya papasok ng kwarto. "Hoy ano 'yon sabihin mo na sakin!"
Tumakbo ako papunta sa kaniya pero nabangga ako sa likod niya. Ugh ang macho!
Humarap siya bigla na ikinagulat ko.
"Natural hindi mo 'yon matatandaan. Hindi ko alam kung nananaginip ka ba o lasing ka."
"Bakit? Ano bang sinabi ko?"
"Bahala ka sa buhay mo. Alalahanin mo."
"Huh? Dali na kasi! Ang daya mo naman eh!" Tinulak niya ko ng mahina palabas ng kwarto niya.
"Magbibihis ako. Pero kung gusto mong manood, sige dito ka lang sa loob." Sabi niya sabay smirk. Anak ng! "Ano? Lalabas ka ba o--"
Hindi pa siya tapos magsalita lumabas na ko at sinara 'yong pintuan ng kwarto niya.
Teka.. ano naman kayang kaweirdohan ang sinabi ko kagabi habang natutulog? Paano ko maaalala 'yon?
Nag-ayos na din ako at bumaba para mag-almusal.
"Stepheeeen. Sabihin mo na kasi sakin. Ano ba 'yon ha? Ano ba 'yong sinabi ko?"
Tinignan niya ko ng masama.
"Kung hindi mo maalala, bahala ka. Basta hindi ko sasabihin sayo."
"Ang daya naman! Gusto kong malaman! Baka mamaya may kung ano akong sinabi sayo. Kailangan kong.. magpaliwanag!"
"Ugh. Tama. Kailangan mo nga talagang ipaliwanag."
"Ugh! Bakit?! Ano ba kasi 'yong sinabi ko sayo?!"
"Tumahimik ka nga kumain ka na lang! Bakit ba sumisigaw ka?!"
"Sabihin mo na kasi sakin... huh?" Nagmamakaawa na ko! Kinakabahan ako baka sinabi ko 'yong sikreto ko no'ng bata pa ko! Na syempre, hindi ko sasabihin sa inyo!
"Aish. Tigilan mo nga 'yang pagpapacute mo hindi bagay sayo. Kumakain ako dito eh."
Nagpout na lang ako. Hay ano kaya 'yon? Teka hindi kaya pinagtitripan lang ako nito?
[Stephen's POV]
I got home late at night. Marami kaming napag-usapan ni Clarisse and I'm really glad to bond with her like that again after some time.
I don't know pero kahit hanggang ngayon, siya pa din ang gusto kong makasama. Simula noon, siya 'yong laging nandiyan at iniintindi ako. Kaya kahit na ikinasal na ko sa iba, hindi ko talaga siya kayang iwan.
BINABASA MO ANG
You are the one
RomancePaano kung paggising mo isang umaga, malaman mo na lang na ikakasal ka na pala sa taong hindi mo naman kilala? Dalawang magkaibang mundo ang pilit na pinagtagpo. Dalawang taong pinagtagpo nang dahil sa isang kasunduang nabuo. Magkasundo kaya sila? O...