Chapter 48 - Affected much?

297 6 0
                                    

Chapter 48 - Affected much?

[Julienne's POV]

Inabot ko sa kaniya yung 500.

"Ano 'to?"

"Di ba, kapag may viniolate na rule, kailangang magbayad ng 500?"

"Oh?"

"Sa tingin ko kasi, may viniolate akong rule."

"Ano naman 'yon?"

'Yong pinakamahalagang rule sa lahat.

"Huh? Ah.. hindi naman 'yon gano'n kahalaga. Buti nga, inamin ko na may viniolate ako eh. Tanggapin mo na lang."

Tinignan niya muna ko ng nagtataka bago niya inabot yung 500.

Tapos naglakad na din ako palabas pero tinawag niya pa ko.

"Julienne."

"Huh?"

"Bakit ka ba umiyak? Kahit kailan napaka-iyakin mo talaga." Ngumiti na lang ako ng pilit at lumabas na ng kwarto niya. Bumalik na ko sa kwarto ko at nahiga.

Kapag nalaman niya kung anong rule 'yong viniolate ko, baka tawanan niya lang ako.

Nagulat ako nang biglang magring yung phone ko. Tumatawag si Ethan.

"Oh? Bakit bigla kang napatawag?"

"Narinig ko na 'yong balita. Okay lang ba kayo ni Stephen?"

"Ah. Oo. Okay naman kami."

"Ikaw? Okay ka lang ba?"

"Siguro? Siguro lang ako."

"Anong siguro? Hindi ka sure?"

"Wala joke lang. Okay lang."

"Sigurado ka?"

"Hm. Wag mo nang intindihin 'yon. Salamat ah."

May narinig akong tumawag sa pangalan niya sa kabilang linya.

"Hay ano ba 'yan. Kakatawag ko lang sayo eh. Sorry ah, kailangan na kasi ako do'n."

"Hm. Okay lang. Alam ko namang busy ka eh. Salamat sa pagtawag."

Binaba ko na. Nakakatuwa naman na tumawag talaga siya para kamustahin ako.

Nakita ko 'yong oras. Naku magtatanghalian na! Bumaba na ko para magluto. Habang nagluluto, tinapos ko na din 'yong nililinis ko kanina na naiwan.

"Ah!" Ano ba 'yan! Nauntog ako sa center table dahil nililinis ko 'yong alikabok sa ilalim. Aray!

Hinawakan ko agad 'yong right side ng noo ko--dugo? Dugo!

"Aish!"

Umakyat ako papunta sa kwarto para kumuha ng bandaid pero nakasalubong ko si Stephen at nagkagulatan pa kami.

Tinakpan ko agad yung sugat ko para di na niya makita.

"Ano 'yan? Napano 'yan?"

"Huh? Ang alin?"

"'Yang nasa noo mo!"

"Huh? Saan? Wala naman ah."

"Aish!" Hinila niya 'yong kamay ko.

"Ah!"

"Tsch. Ano bang ginagawa mo?"

"N-naglilinis ako tapos nautog ako do'n sa lamesa--"

"Halika nga dito!"

Pinasok niya ko sa kwarto niya at kumuha ng alcohol, betadine at band-aid.

"Hindi ka ba marunong mag-ingat?"

You are the oneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon