Chapter 34 - Weird Stephen is weird

356 8 0
                                    

Chapter 34 - Weird Stephen is weird

[Julienne's POV]

Salamat daw? Bakit binabago niya yung topic? Hindi naman ito 'yong dapat na sabihin ah?

Napatingin ako kay Mommy at nakangiti siya.

"'Yon lang ba? Ano ba naman kayo, wala 'yon."

"Sorry if we wasted your time, Mom. Pero ang sabi kasi ni Julienne, gusto niyang magpasalamat and she's really happy. Kaya gusto niya kayong itreat for dinner."

Ngumiti lang si Mommy at tumingin sakin.

"It's okay Julienne. It's okay."

Anong ginagawa ni Stephen? Napatingin ulit ako sa kaniya na takang-taka.

"Ah.. hehe."

Anong nangyayari? Marami pa kaming napagkwentuhan do'n at nang matapos, syempre kinausap ko si Stephen.

"Hoy Stephen. Ano 'yon ha? Anong ginawa mo? Ano ba 'yon?"

"What the hell is wrong with you?"

"Ano? Anong ako?! Ikaw nga 'tong.. ugh. Diba pumayag ka naman? Pumayag ka naman na maghiwalay na tayo diba?"

Natahimik siya.

"Anong nangyayari sayo? Diba dapat sasabihin natin kay Mommy 'yong tungkol do'n?"

"Binabawi ko na."

A-ano? Nanlaki 'yong mga mata ko.

"Ano?"

"Binabawi ko na! Hindi ako papayag na makipaghiwalay sayo!" Ano daw?

"Ano?! Bakit?" Bakit?

"Dahil ayoko! At dahil masyado kang stupid. Ano na lang ang sasabihin ng iba? Saka pagkatapos ng lahat ng ginawa ni Mommy para sayo, pagkatapos lang ng dalawang buwan, makikipaghiwalay ka? Anong magiging tingin ng mga tao sayo? Isipin mo nga 'yon!"

"Hindi ko maintindihan Stephen. Hindi talaga kita magets! Napakagulo mo! Ugh! Ano ba talaga--"

"Because it's really different when you're not around. I.. I can't."

"Huh?"

"Aish nevermind!"

Naglakad na siya palayo at ako, naiwang nakatulala at pinaprocess pa din ng utak ko 'yong mga sinabi niya. Wait. Dahil ba.. nagke-care siya sakin? Kaya binawi niya? At ano daw? 'Yong huli niyang sinabi? Hindi naman ako nananaginip ngayon, diba?

Pero actually, nakahinga naman ako ng maluwag. Napangiti ako. Dahil binawi niya. Ibig sabihin, hindi na kami maghihiwalay. At.. ayaw niyang maghiwalay kami, ganoon ba?

Ang gulo niya talaga.

Sumunod na ko sa kaniya at sumakay na kami sa kotse. Habang nasa biyahe,

"Stephen. Bakit mo nga ginawa 'yon? Akala ko ba, payag ka? Diba, pumayag ka?"

"I'll ask you one question. Why?"

"Huh? Anong why?"

"Why do you want end it?"

"Sinabi ko na diba? Para maging masaya na kayong dalawa. 'Yon lang 'yon."

"Do you really want to end everything between us?"

"Ano? Anong 'everything between us'? Anong 'everything between us' ang sinasabi mo diyan? Nababaliw ka na ba?" Everything between us? Tsch. Kalokohan.

"Hindi mo ba naisip kung gaano ka-stupid ang dahilan mo? Paano mo ipapaliwanag kay Mommy 'yon? Kaya mo? Kaya mong sabihin sa kaniya?"

"Hindi ko alam pero--"

You are the oneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon