Chapter 26 - New home

304 8 0
                                    

Chapter 26 - New home

[Julienne's POV]

Lagot na. Mukhang naiinis na si Lola dahil one hour na, wala pa din si Stephen. Ako naman, parang batang napagalitan at nakaupo na lang sa sofa.

Aish. Bakit naman kasi biglaan? Wala man lang pag-inform!

"Try calling her Julienne, please."

"Okay po."

Ako naman ngayon ang tumatawag kay Stephen. Nasaan na ba 'yong unggoy na 'yon?!

"Hoy. Ano? Gano katagal pa ha? Bilisan mo nga! Nasa'n ka na ba?!"

"I'm on my way! Chill!"

"Chill?! Anong chill eh sa akin binubuhos ni Lola ang words of wisdom niya! Kanina pa ko nasasabon dito!"

"Traffic."

"Traffic? Tsch. Reasons. Bilisan mo na lang kung ayaw mong matusta ng buhay."

Binaba ko na.

"Oh anong sabi?"

"On the way na daw po. Traffic lang."

"Naku lagot talaga sakin 'yang si Stephen eh. Kahit kailan pasaway na bata talaga! Wag mong kukunsintihin 'yang apo ko sa mga kalokohan niya. I want him to be a better man because of you. And please, wag niyong idahilan na arranged lang kayo kaya kayo ganyan. Mag-asawa pa din kayo."

"Sorry po."

Hay Stephen bilisan mo na!

Para akong batang nakayuko habang pinapagalitan ng nanay. Kasalanan ni Stephen lahat ng 'to!

Lumipas ang isa pang oras bago siya dumating at sinalubong siya ni lola ng masungit na tingin.

"Gaano kalayo ang pinanggalingan mo to take you two hours to get here?" Masungit na sabi ni Lola.

"Sorry, lola."

"I wouldn't accept your apology now Stephen. You let Julienne go home by herself, again. Do you think this is just a joke? Ilang beses ba kitang dapat sabihan? Habang lumalaki ka, lalong tumitigas 'yang ulo mo. Kahit gaano pa kahalaga 'yang pupuntahan mo, you must put your wife on the top of your list. Sa susunod na malaman kong hinahayaan mo siyang umuwi mag-isa, malalagot ka na talaga sakin."

"I'm sorry."

"At sino bang kasama mo ha?"

"Ah.."

Lagot.

"Tell me, Stephen. And don't try to lie."

"I'm with.. Clarisse." Ohmygod bakit mo sinabi?! Baliw ka talaga! Lalo ka lang malalagot!

"What? You chose to go with her than your wife? Hindi ba sinabihan na kita tungkol diyan?"

"Ah lola! Wag po kayong mag-alala, ayos lang naman po sakin 'yon eh. Alam ko po na close sila ni Stephen mula pagkabata kaya, hindi maiiwasan 'yon." Singit ko.

"Pero may asawa na siya ngayon, Julienne and that's you. Don't defend him. You're not his lawyer. Kaya Stephen you should avoid going out with other girls kahit na bonding lang 'yon. Isa kang Prieto. Ano na lang ang sasabihin ng iba kung may makakita sa inyo? Paano kung may media pa? Hindi mo ba naisip 'yon? Hindi lang pangalan mo ang dala mo Stephen. Dala mo ang pangalang Prieto." Nako ang haba na ng sermon niya. Kanina pa si Lola ah.

"Ah.. Lola--"

"Wag ka nang magsalita Julienne. Wag mo na siyang ipagtanggol. Sige na. Ilagay niyo na sa kotse lahat ng 'yan."

You are the oneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon