Chapter 2 - First impressions
[Julienne's POV]
Para kong timang dahil seryoso, napanganga talaga ko!
Ugh. Ang gwapo niya!
"Nice to meet you all." Hindi ba siya marunong ngumiti?
"Stephen, meet your future wife, Julienne."
Tumingin siya sakin. Ngumiti naman ako at inabot ko yung kamay ko.
"Uhh. Hi."
Nakatingin lang siya sakin for like 5 seconds.
"Hi."
'Yon lang? Hindi man lang nakipag-shake hands? Hindi man lang ngumiti? Ugh.
Awkward kong hinila ulit 'yong kamay ko tapos umupo na kami. Sinerve na din 'yong mga pagkain. Woah! Nakakalunod!
Nagkukwentuhan kami habang kumakain.
"He's 19. Performing arts ang course niya sa Draven University of Asia." -Tito
Wow. Pangmayaman lang ang University na 'yon.
"I want the both of you to know each other so well. Remember, ikakasal na kayo." -Tita
"Mukhang bagay na bagay silang dalawa 'no?" -Papa
"Oo nga. Bagay talaga sila! Nakakatuwa naman. Ito na 'yong pangako ko sa inyo 20 years ago." -Tito
"Naku. Hindi naman na po talaga kailangan 'to pero, nakakahiya naman po kasing tumanggi sa inyo." -Mama
"At hindi rin naman namin kayo papayagang tumanggi. Malaki ang utang na loob namin kay Francis kaya dapat lang naman na ibigay namin 'to, hindi ba?" -Tita
"Naku. Hindi naman po talaga eh. Ang totoo niyan okay lang naman po talaga. Masaya po si Papa na makatulong siya ng walang hinihinging kapalit. Pero.. dahil kayo na din po 'yong may sabi, hindi na din po kami makatanggi."
Tumingin ako kay Stephen na tahimik na kumakain. Napansin niya yatang nakatingin ako sa kaniya kaya tumingin siya sakin tapos tumingin naman ako sa ibang direksyon. Napansin kong nag-smirk siya.
"Wala na kayong dapat na problemahin dahil kami na ang bahala sa lahat." -Tito
"Nakakahiya naman."
"Naku hindi. Ayos lang yun."
"Mukhang.. late na late na nga ako ah."
May dumating magandang matandang babae.
"Ma!" Bati nina Tita kaya tumayo na din kami.
"Oh apo. Kamusta?"
Apo? So.. Lola siya ni Stephen.
"I'm good." -Stephen
"Ma. Siya po si Julienne."
"Julienne? Oh. So you're my future grand daughter in law?"
I smiled. "Nice to meet you po."
"You're beautiful! Ano Stephen? Anong masasabi mo sa mapapangasawa mo?"
Tumingin lang siya sakin. Ngumiti ulit ako.
"She's plain."
What? Plain--uhh.. oo nga. Hindi ako makakatanggi dun.
"Stephen!" Saway ni Tito. "Sorry. Mukhang wala lang siya sa mood ngayon."
Umupo na ulit kami.
Nagkukwentuhan at nagtatawanan lang sila pero hindi ko na masyadong inintindi yung pinag-uusapan nila. Kumakain na lang ako.
BINABASA MO ANG
You are the one
RomancePaano kung paggising mo isang umaga, malaman mo na lang na ikakasal ka na pala sa taong hindi mo naman kilala? Dalawang magkaibang mundo ang pilit na pinagtagpo. Dalawang taong pinagtagpo nang dahil sa isang kasunduang nabuo. Magkasundo kaya sila? O...