Chapter 11 - Awkward

302 7 0
                                    

Chapter 11 - Awkward

[Julienne's POV]


Gabi na nang makauwi sina tita. Tapos na kaming maghapunan ni Stephen. Pumunta muna ko sa balcony kasama si Cider at tumanaw ng stars.

Siguro nga masasanay din ako. Masasanay din akong tumira sa bahay na 'to at pag-usapan ng lahat. Masasanay din siguro ako na lagi kong nakakasama si Stephen.

Pero.. hindi ko nararamdaman na kasal na ko at may asawa na.

Hindi ko ramdam na nagpakasal na ko kasi.. wala naman 'yong.. alam mo na.. sweetness?

Wala man lang sparks kaya naman hindi ko feel na ikinasal na nga ako.

Hay. Ano bang aasahan ko eh arranged lang naman kami.

"Arf!"

"Oh!"

Lumingon ako at nakita ko si Stephen.

"Bakit nandito ka pa? Bakit hindi ka pa natutulog."

"Hindi ako makatulog eh."

"Bakit? Iniisip mo ko 'no?"

"Ano?! Ugh. Kapal." Tumabi siya sakin at sumilip kaming dalawa sa balcony.

"Ano pa bang ginagawa mo dito? Kanina ko pa hinahanap si Cider kasama mo lang pala siya."

"Wala lang. Hindi nga kasi ako makatulog eh. Hanggang ngayon kasi.. hindi pa din mag sink in sakin na kinasal na nga ako."

"Ikaw lang ba? Ako din naman no."

"Gusto nila na makita tayong dalawa na close. Na.. kumportable sa isa't-isa. Pero malabo diba?"

"Bakit naman?"

"Kasi masungit ka! Saka may iba ka namang.. mahal."

"Oh mukhang disappointed ka? Nagseselos ka?"

"Ano?! Ang kapal talaga ng mukha mo eh no?! Ibig kong sabihin.. kasi... ugh. Syempre pangarap ko na maikasal sa taong mahal ko at mahal ako. Pero tignan mo naman kung anong nangyari. Hay ang malas."

"Malas? Kinasal ka sa gwapong kagaya ko. Bakit tinatawag mo pa yung malas?"

"Alam mo.. mas mataas pa sa Mt. Everest 'yong self confidence mo no? To the point na nakakainis na."

Natawa siya. Tsch. Nakakatawa ba 'yon.

"Bakit? May iba ka bang gusto ha?"

"Oo! Syempre meron! Anong tingin mo sakin bato?!"

"Sino? Kilala ko?"

"Bakit ba tinatanong mo? Ano namang pakialam mo?"

"Gusto ko lang malaman, bakit ba?! Sabihin mo na."

"Ayoko."

"Bilis na hindi ko ipagkakalat promise."

"Ayoko nga! Wag ka ngang mapilit!"

"Tsch. Eh di puntahan mo siya tapos sa kaniya ka magpakasal!"

"Talaga! Kung pwede nga lang matagal ko nang ginawa 'no! Kasi kung ikukumpara sayo, talagang mas mabait siya 'no."

"Ano ba ang definition mo ng mabait? 'Yong inaalagaan ka? Sinasamahan ka? Nagbibigay ng isnag libo sa mga namamalimos at tumutulong sa mga matatanda sa pagtawid ng daan? O kaya--"

"Pano kung gano'n nga?! Hay kung ano-anong sinasabi mo. Ewan ko sayo."

"Eh bakit pumayag ka pang magpakasal sakin?"

You are the oneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon