Chapter 95 - You will always be the one

667 8 4
                                    

Chapter 95 - You will always be the one

[Julienne's POV]

"Bigyan mo ko ng isa pang chance para patunayan sayo 'yong nararamdaman ko." Lumuhod siya. Ohmygod! "Julienne Larosa.."

Rinig na rinig ko 'yong bilis at lakas ng tibok ng puso ko na halos wala na kong ibang marinig.

"Will you marry me, again?"

Biglang may nagpaputok ng party poppers mula sa isang gilid. Ugh. Stephen..

Napalingon ako at nakita ko din si.. what?! Si Faye, Gayle at.. Mommy Becca? Teka anong ginagawa ng dalawang 'yon--ugh. Ibinalik ko 'yong tingin ko kay Stephen na nakaluhod sa harap ko at may singsing na hawak.

Teka lang, hindi ba parang ang biglaan naman nito? Si Tyrone.. biglang pumasok sa isip ko si Tyrone. Pagkatapos ng lahat.. hindi ko siya kayang saktan. Hindi sa isang mabait, maunawain at maalagang si Tyrone. Hindi.

"Stephen.. I'm.. sorry."

Napatigil ang lahat. Hinigpitan niya ang pagkakahawak sa kamay ko.

"What? Julienne.."

"I'm sorry. Hindi ko pa kaya. No..."

"What? No." Tumayo siya. "Don't say no. Sabihin mong pag-iisipan mo, huh? Pag-isipan mo. Kahit gaano katagal, maghihintay ako. Julienne, pag-isipan mong maigi. Please?"

"I'm sorry." Tumakbo ako palabas ng restaurant at naghahabol ng hiningang tumigil sa isang gilid at umiyak.

Mahal kita. Mahal na mahal. Pero.. paano naman ako magiging masaya kung alam kong may isang taong masasaktan?

"Julienne." Lumingon ako sa nagsalita. Si Mommy Becca. Lumapit siya at niyakap ako.

"It's okay if you can't do this. Naiintindihan ko. Take your time to understand what you truly feel."

Pagkabitaw niya, inayos niya 'yong buhok ko.

"Sorry mommy Becca."

"It's okay. Pero, isa ako sa mga taong magpapatunay sayo na, mahal ka ng anak ko. Nakita ko 'yon no'ng umalis ka at pinupuntahan ka niya doon para lang makita ka kahit na hindi ka naman niya nakakausap. Alam ko lahat 'yon. Kaya sana, Julienne.. pakinggan mo kung ano talaga 'yong sinasabi ng puso mo."

Umuwi akong lutang sa mga nangyari. Paano ko siya haharapin sa trabaho kung ganito? Pagkatapos nito? Paano?!

"Aaahh!" Ginulo ko ang buhok ko. Naalala ko na nasa ilalim pa ng unan ko 'yong singsing kaya kinuha ko at tinitigan habang inaalala nag mga nangyari.

Bakit pagkatapos ng limang taon, kailangang maging ganito pa din kakumplikado ang utak ko? Ugh Julienne, matuto kang magdesisyon.. para na din sa sarili mo. Come to your senses!

"Oh? Bakit ganyan itsura mo? Natulog ka ba?" Bati sakin ni kuya kinabukasan.

Hindi kasi ako nakatulog ng ayos dahil sa mga nangyari. Sino ba naman, pagkatapos no'n, diba? Tapos kaninang umaga, may natanggap akong text message mula kay Stephen.

"Good morning, beautiful. Another day! Another day for me to prove to you that this time, it's real. Sorry for what happened last night. I understand. Don't think that I'll give up easily. I'll continue courting you until you say yes. Have a nice day!"

Napangiti ako. Kasi.. ngayon ko lang naman naranasan 'to mula sa kaniya. Sa mga sinabi niya, siguro nga totoo na 'yong nararamdaman niya.

"Ely!"

"Huh?"

"Sabi ko, anong oras ka pupunta sa trabaho? Ano bang nangyayari sayo?" -Papa

"Ah... gano'n pa din po. 8AM."

You are the oneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon