Chapter 78 - LQ 2.0
[Julienne's POV]
10PM na ko nakauwi sa bahay. Tulog naman na siguro si Stephen. 'Wag lang sanang kumahol si Cider para hindi na siya magising.
Papasok na sana ko sa bahay nang mapansin ko na parang may nakahiga doon sa bench sa garden. Ano 'yon? Teka! Si Stephen ba 'yon?!
Umatras ako ng kaunti para silipin. Si Stephen ba 'yon o may ibang nakapasok dito?! Dahan-dahan akong lumapit. Ugh. Si Stephen nga. Mukhang nakatulog siya dito habang nagbabasa dahil may libro pang nakapatong sa dibdib niya.
Naupo ako para makapantay ko siya at napangiti na lang ako habang tinitignan ko siyang matulog. Ano naman kayang ginagawa niya dito sa labas? Di kaya.. hinihintay niya ko gaya ng ginagawa ko sa tuwing umaalis siya? Ugh. Imposible. Imposible.
"Gawin natin 'to. Para kapag bumalik ka na kay Clarisse, hindi ako gaanong mahihirapan. I'm sorry Stephen. Sorry kung nahihirapan ka ng dahil sakin. Bigyan mo pa ko ng ilan pang araw.. o linggo. Tapos, magiging masaya na ulit kayo."
Tumayo na ko. Hayaan ko na kaya siya diyan? Oo sige. Kapag ginising ko siya baka kung ano-ano pang sabihin niya eh. Gabi na kaya bukas na lang siya magsalita.
Naglakad na ko pero naisip ko na baka naman lamigin at magkasakit siya kapag hinayaan ko na dito siya sa labas matulog magdamag. Hay.
Naglakad ako pabalik at sinipa 'yong bench para magising siya.
"Hoy. Stephen. Stephen! Penpen!"
"Ugh. Ano ba~"
"Sige. Ayaw mo? Diyan ka matutulog? Hoy tumayo ka na nga diyan." Dahan-dahan siyang dumilat at tumingin dito. Nang makita niya ko, natataranta siyang tumayo at humarap sakin.
"Hoy!" Nagulat ako sa bigla niyang pagsigaw kaya naman napapikit ako. Ano ba! Nasa harap ko lang sisigaw pa!
"Saan ka nanggaling ha? Saan ka pumunta? Bakit ngayon ka lang? Sinong kasama mo? Anong ginawa mo?" Ano namang nangyari dito?
"Ugh. Ano bang--bakit ang dami mong--"
"Okay fine. Bahala ka. Bakit hindi mo man lang sinabi na aalis ka? Kung saan ka pupunta? Saka kung anong oras ka uuwi? Diba, kasama sa rules 'yon?"
"Ano bang iniiyak mo diyan? Diba nga nagbigay tayo ng space sa isa't-isa ngayon? Pumayag ka naman diba? Oh eh anong--"
"Hay bahala ka sa buhay mo." Naglakad na siya palayo at nilampasan ako. Pero biglang nagsalita pa siya ulit.
"Hoy Alien." Nilingon ko siya.
"'Wag mong isipin na hinihintay kita kaya ako nakatulog diyan. Nagbabasa ko ng libro tapos inantok ako kaya ako nakatulog." Nagpatuloy na siya sa paglakad.
"Ugh." Whatever. Napailing na lang ako at pumasok na din.
Pagkahiga ko sa kama, nagflashback sa utak ko 'yong mga nangyari. 'Yong ngiti ni Tyrone noong sinabi ko na pumapayag ako na subukan namin, na binibigyan ko na siya ng chance.
Tama ba 'to? Tama ba 'yong naging desisyon ko? Nasabi ko na eh. Hindi ko na 'yon pwedeng bawiin na lang ng basta.
At! Noong masyado siyang natuwa dahil sa sinabi ko, muntik na niya kong halikan! Buti na lang sumegway ako na, "Uwi na tayo." Wooh! Hindi ko yata kakayanin at ayoko namang magtake advantage!
Basta, bahala na. Susubukan ko. Susubukan ko na talagang lumayo at kalimutan 'yong kung ano mang nararamdaman ko para kay Stephen.
Pangit bang tignan na ginagamit ko si Tyrone para doon? Hay, 'yon na lang talaga ang nakikita kong paraan. I'm sorry. I'm sorry.
BINABASA MO ANG
You are the one
RomancePaano kung paggising mo isang umaga, malaman mo na lang na ikakasal ka na pala sa taong hindi mo naman kilala? Dalawang magkaibang mundo ang pilit na pinagtagpo. Dalawang taong pinagtagpo nang dahil sa isang kasunduang nabuo. Magkasundo kaya sila? O...