Chapter 68 - Lost and found

394 8 4
                                    

Chapter 68 - Lost and found

[Julienne's POV]

Ngumiti na din ako at tinignan ulit sila tapos itinuloy ko na 'yong pag-aayos ng mga kakainin namin.

Lumapit naman si ate Diana para tumulong.

"Let me help you with that."

"Thank you, ate."

"Are you okay?"

"Hm."

"I'm really worried that you might be so sad about what happened."

"Okay naman po ako. Saka, nandiyan naman po si Stephen eh. Buong araw wala siyang ibang ginawa kundi icomfort ako. Malulungkot pa ba ko? Kung ramdam na ramdam ko 'yong suporta niyo sakin?" I smiled.

Seryoso. Kasi, sa totoo lang, makakatouch na nageffort pa sila ng ganito dahil lang sakin. Dahil lang sa inaalala nila kung okay ba ko.

"Eh, how about you and Stephen? Kamusta na kayo?"

"Gano'n pa din. Pero, habang tumatagal, nagiging mas close naman po kami."

"At least your relationship is working, diba? At least, okay kayong dalawa. Kahit na.." Napatigil siya at nagkatinginan kami. Ngumiti na lang ako. Okay, gets ko na. Si ate Diana talaga.

Nang matapos na naming ayusin 'yong hapunan, sabay-sabay kaming kumain na napuno ng tawanan at kwentuhan.

"Julienne, we're really saddened about it too. But, don't worry. You can finish your studies here and after you graduate I will enroll you in any university you want in Paris." Sabi ni Mommy Becca. Wait, ano daw?

"Naku, nakakahiya na po. Hindi na po kailangan 'yon." Gusto ko. Syempre gustong-gusto ko. Kaya lang, nakakahiya ano. Ayoko namang abusuhin 'yong kabutihan nila sakin at sa pamilya ko.

"Ano ka ba naman, bakit naman nahihiya ka pa din samin? Wag ka nang mahiya. Isa pa, akala ko ba gustong-gusto mo 'yon? Bakit tinatanggihan mo?"

Hay hindi ko na kayang tanggapin pa 'yon. 'Yong 800,000 pesos nga na pinambayad namin noon sa utang, galing na sa kanila eh, at ayaw pang pabayaran. Tapos paaaralin pa nila ko sa Paris? Shocks. Di ko na kinakaya. Wala na ba silang mapaglagyan ng pera?

Ngumiti na lang ako sabay sabing, "Hindi na po talaga kailangan, Mommy. Okay na po." Kahit gusto ko naman talaga.

"Are you sure? If you need or you want something, wag kang mahihiyang i-approach kami, okay?" -Daddy

"Yes, Ely. We want to make you happy. Ask anything, and I will give it to you." -Lola

Umagree na lang ako. Uy ano, kapag gusto kong bumili ng private beach resort, bibigyan nila ko? Posible. Gano'n sila kayaman eh. Pero syempre hindi naman ako hihingi no'n no.

"Ely, kamusta naman sa school?" -Papa

"Okay naman po. Gano'n pa din. School pa din." Natawa sila.

"How about, the two of you? How are you guys doing?" -Daddy

Nagkatinginan kami ni Stephen.

"Syempre, okay lang po." Sabay pa naming sabi at ngiti sa kanila.

"Talaga?" -Lola

"Of course Lola. We're doing great. Nagkakasundo na kami sa maraming bagay. Diba, honey?"

"Honey?!"

Kasabay ng pagkagulat nila 'yong pagkasamid ko. Aish.

Tapos nagkatinginan kaming lahat tapos ngumiti sila. 'Yong ngiti na parang natutuwa sila saming dalawa.

You are the oneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon