Chapter 63 - Aalis ka pa din ba?
[Julienne's POV]
After lunch na kami pumunta sa mall. Hindi ko alam kung anong biglang pumasok sa isip niya at nag-aya siyang pumunta ng mall ngayong araw.
Namili kami ng mga damit at kung ano-anong pinasukat ko sa kaniya. Nakakainis, bakit kahit anong isuot niya, bumabagay sa kaniya?
Sobrang saya. Tawa lang kami ng tawa kahit na pinagtitinginan na kami. Hanggang sa pagkain namin, kung ano-anong kalokohan 'yong ginawa namin.
Tapos sumakay din kami sa ferris wheel.
"You haven't changed your mind yet?"
"Huh?"
"Aalis ka pa din ba?"
Tinignan ko lang siya.
"Mukhang kahit na anong gawin ko, hindi na talaga magbabago 'yong isip mo."
"Sorry, Stephen."
Tinignan niya lang ako saglit tapos umiwas na ng tingin. Kaya ba siya nagkakaganito kasi gusto niyang baguhin 'yong desisyon ko na umalis?
Ngumiti ako at pinisil-pisil siya sa pisngi.
"Ano bang inaarte mo diyan, Penpen? Uuwi din naman ako!" Inilayo niya 'yong kamay ko.
"Ah! Aray masakit!"
Nginitian ko lang siya pero tinitigan niya lang ako.
"Penpen, uuwi din ako. Promise, babalik ako. Ako nga 'tong natatakot eh."
"Bakit?"
"Kasi.. hindi ko alam kung pag-uwi ko, ganito pa din tayo."
"Anong ganito?"
"Ganito."
"Ano ngang ganito?"
"Ganito nga!-aw!" Pinitik niya ko sa noo.
"Can you not go? Can't you choose to stay here?"
"Kailangan ko talagang gawin 'to. Sorry."
Ngumiti na lang siya at hindi na nagsalita. Ano bang ginagawa niya? Hay.
After namin sa ferris wheel, nag-grocery na kami para sa stocks sa bahay.
Nawala na 'yong seryosong atmosphere kanina sa ferris wheel. Nagkukulitan na ulit kami.
Marami din kaming pinamili. Paubos na kasi 'yong mga stocks sa kusina eh. Pati pagkain ni Cider malapit na ding maubos.
Nagtatawanan kami nang bigla siyang napatigil. Nakatingin lang siya sa harap at no'ng tinignan ko.. si Clarisse pala kasama ng Mommy niya.
"Oh! Stephen! Hi Julienne!" Bati ng mom niya tapos lumapit sila samin.
"Hello po." Sabay naman naming sabi.
Napansin kong nagkatinginan pa si Clarisse at Stephen at medyo naging awkward.
"Nag-grocery pala kayo. Nakakatuwa naman na makita kayong ganito."
Ngumiti lang kami. Niyaya pa nga kaming magdinner pero tumanggi si Stephen tapos nagpaalam na din kami. Bago kami maglakad, nagkatinginan pa kami ni Clarisse. Tinignan ko si Stephen, wala naman siyang reaksyon.
"Oh bakit?" Tanong niya.
"Wala."
"Dito na din tayo kumain ng dinner."
"Hm."
9pm na kami nakauwi ng bahay. Nakakapagod pero masaya!
Ayan nanaman si Cider, excited na excited na mangulit!
BINABASA MO ANG
You are the one
RomancePaano kung paggising mo isang umaga, malaman mo na lang na ikakasal ka na pala sa taong hindi mo naman kilala? Dalawang magkaibang mundo ang pilit na pinagtagpo. Dalawang taong pinagtagpo nang dahil sa isang kasunduang nabuo. Magkasundo kaya sila? O...