Chapter 25 - Hot topic
[Julienne's POV]
Pagkatapos naming maglakad-lakad at kumain ni ate Diana, bumalik na muna siya sa hotel dahil may kailangan lang siyang gawin saglit kaya mag-isa kong naglakad.
"Oh!" Nakita ko sina Papa, Kuya at Stephen na nakaupo sa mini bar sa isang tindahan kaya dahan-dahan akong lumapit. (Feeling secret agent)
Pero wala naman akong narinig kundi mga tawanan nila. Ano naman kayang pinag-uusapan nila?
"Pero seryoso bro, hindi mo lang alam pero iyakin si Ely. Kahit mga simpleng bagay iniiyakan niya. Kaya nga 'wag na 'wag mo siyang sasaktan. Naiintindihan mo, bro?"
Bro? Ang corny naman ng tawagan nila. Bakit ayaw pa niyang magpatawag na kuya? Tsch.
"Hm. I know. Is she that weak to cry over little things?"
Ano?! Weak?!
"Hindi ah. Ang totoo niyan, matapang si Ely. Iyakin lang talaga siya." Hay! Papa naman!
"Baliw na baliw siya sa strawberries. Sigurado ako na kapag niregaluhan mo siya ng strawberry farm maiiyak 'yon sa tuwa. Hahaha!" Pang-asar talaga 'to si kuya. Ako pa pag-aanihin niya ng mga strawberries ganon?
"At yung teddy bear niya na si Twinkle, gusto niya palagi niyang katabi matulog. Hirap siyang makatulog kapag wala si twinkle sa tabi niya. Parang bata." -Kuya
Aba! Sinisiraan ba nila ko o ano?! Tumawa lang si Stephen.
"Hindi naman mahirap mahalin ang anak ko, hindi ba? Alam mo kasi, ayoko namang sa pagtagal ng panahon, kahit na mag-asawa kayo, hindi niyo naman mahal ang isa't-isa. Si Ely kasi, lumaki siya na naniniwalang hindi siya maganda, hindi siya mayaman, maraming kulang sa kaniya at walang magkakagusto sa kaniya."
Bakit ba sinasabi pa 'yon ni Papa?
"Wag mo siyang iwan at wag ka ding gumawa ng dahilan para iwan ka niya. Ayoko namang maging seperada ang anak ko ano."
Uuh. Si Papa talaga. Palagi na lang niyang iniisip ang kapakanan ko. Kaya nga lang ngayon, ang komplikado kasi eh.
"I know that she don't have enough confidence for herself. Masyado niya lang talagang minamaliit 'yong sarili niya." -Stephen
"Bakit naman ang seryoso niyong mag-usap diyan?" Sabi ko pagkapunta ko sa harapan nila--Oops.
"Pa!" Nagulat si Papa kaya naibuga niya kay Kuya yung iniinom niya. Hahaha!
Tawa na lang ako ng tawa at napatingin ako kay Stephen na tumatawa din.
"Hoy." Sabi ko kaya napatigil sila.
"Oy teka nga Ely, simula saan ang narinig mo?"
"Simula do'n sa sinabi mong baliw na baliw ako sa strawberries."
"Ano? Ibig mong sabihin narinig mo din 'yong--" -Papa
"Hm. Bakit? Wala naman kayong masamang sinabi ah?"
"Hoy masamang makinig sa usapan ng iba. Alam mo ba 'yon?" -Stephen
"Tsch. Oo alam ko. Pero hindi masamang makinig sa usapan ng mga taong ikaw 'yong topic. Sabihin niyo nga sakin, kanina niyo pa ba ko pinag-uusapan?"
"Halika. Maupo ka dito." Sabi ni Papa kaya naupo ako sa tabi niya.
"Syempre, bilang tatay mo, concern ako sayo. Nagha-heart to heart talk kaming tatlo."
"Tss. Heart to heart."
"Ayoko naman kasing sa tagal ng magiging pagsasama niyong dalawa, ni wala man lang kayong espesyal na nararamdaman." Nakakalungkot man pero gano'n na nga.
BINABASA MO ANG
You are the one
RomancePaano kung paggising mo isang umaga, malaman mo na lang na ikakasal ka na pala sa taong hindi mo naman kilala? Dalawang magkaibang mundo ang pilit na pinagtagpo. Dalawang taong pinagtagpo nang dahil sa isang kasunduang nabuo. Magkasundo kaya sila? O...