Chapter 61 - See you soon, Paris![Julienne's POV]
"Julienne Prieto?"
"Ah.. ako nga po."
"Pareceive na lang."
Iniabot niya sakin 'yong malaking envelop at may pinapirmahan.
"Thank you."
"Ah. Sige po. Salamat." Umalis na din siya.
"Ano ba 'to?" Binuksan ko na at...
To: Ms. Julienne Prieto
We are glad to inform you that you were chosen as one of the lucky 100 scholars who got accepted in our university---
"Ugh! Aaaahh!" Ohmyhod!
Natanggap ako! Natanggap ako!
--Your ticket is all set and is here together with this letter. You just need to have a visa interview, which when you show this letter, you will be prioritized, in order to complete the requirements. Please send us an email after you receive this for confirmation. The guidelines are also attached here. Thank you. Congratulations!--
Wait, what?!
Hinanap ko agad. Tada! Nandito na nga 'yong ticket ko! Tinignan ko kung kelan--sandali. Next week na 'to ah. Next week?! Bakit gano'n kabilis?!
"Next week?" Ang bilis naman? Hindi ba pwedeng next month pa? Malapit nang matapos 'yong sem eh. Bakit hindi pa pinatapos?
Hay mag-iinarte pa ba ko? Isa na nga ako sa mga maswerteng natanggap eh! Yes! Makakapag-aral ako sa Paris! Wooh!
"Stephen! Stephen!!"
Tumakbo ako papasok.
"Oh bakit? Ano 'yon? Anong nangyari? Sino 'yon?"
Huminga muna ko dahil hiningal ako sa pagtakbo tapos nginitian ko siya.
"Ano ba 'yon?"
"Tada!" Ipinakita ko sa kaniya.
"Ano 'to?" Kinuha naman niya at binasa.
"Naalala mo 'yong nag-apply ako ng scholarship sa Paris? Stephen, natanggap ako! Natanggap ako! Makakapag-aral na ko sa Paris!" Sabi ko na may malaking ngiti at patalon-talon pa.
Tumingin siya sakin ng seryoso.
"Aalis ka?"
"Syempre! Paano naman ako mag-aaral do'n kung hindi ako aalis dito? Saka, kaya nga ako nag-apply ng scholarship diba, para makapag-aral do'n? Stephen! Ito na 'yon! Ito 'yong matagal ko nang pangarap eh! Hay! Thank you, Lord! Sobrang saya ko talaga--"
Napatigil ako nang padabog niyang isinauli sakin 'ying envelop at naglakad palayo.
"Teka--Stephen! Stephen!"
Anong problema no'n? Ah bahala siya! Basta, masaya ko na natanggap ako! Grabe hindi ko inaasahan 'to! Natanggap nga talaga ako!!
"Aaah!!"
Sa sasakyan, papasok ng Brennan, ang tahimik ni Stephen. Hindi niya ko kinakausap. Kung hindi pa ko nagsalita, hindi niya ko kakausapin.
"Oo nga pala, wag mo na kong sunduin mamayang hapon. Didiretso ako sa bahay para sabihin sa kanila na natanggap ako. Naku siguradong matutuwa sila!"
"Kelan ka ba.. aalis?"
"Ah.. next week--"
"Ano?! Next week na agad?"
BINABASA MO ANG
You are the one
RomancePaano kung paggising mo isang umaga, malaman mo na lang na ikakasal ka na pala sa taong hindi mo naman kilala? Dalawang magkaibang mundo ang pilit na pinagtagpo. Dalawang taong pinagtagpo nang dahil sa isang kasunduang nabuo. Magkasundo kaya sila? O...