Chapter 22 - Rules

300 4 0
                                    

Chapter 22 - Rules

[Julienne's POV]

"Are you okay?" Sabi niya kaya bigla akong natauhan.

"Ha? O-oo. Okay lang. Nasaktan ka ba?" Tanong ko.

"Obvious ba? Nalaglag na nga ako dinaganan mo pa ko. Ang bigat mo kaya. Tapos nagkauntugan pa tayo. Ang tigas ng ulo mo. Wala ka pa bang balak tumayo?"

Tsch. At bigla nanamang nagbago 'yong tingin ko sa kaniya dahil sa ugali niya. Wag na lang siyang magsalita, magkakagusto na ko sa kaniya. Kaso nagsalita pa eh. Nagbago tuloy isip ko.

Nagmadali akong tumayo tapos tumayo na din siya at nagpagpag kami ng damit.

"Kasalanan mo 'to." Sabi ko.

"Anong ako? Masyado ka kasing mabigat kaya nilaglag ka niya. Nadamay tuloy ako!"

"Ugh. Alam mo wala ding kwenta kung makikipagtalo pa ko sayo ngayon." Sabi ko sabay pagpag ng tuhod at nakakita ako ng sugat na nagdudugo!

"Oh!"

"Ano yun?"

"Wala! Wala ka na dun!" Naglakad na ko ng paika-ika kasi mahapdi 'yong sugat ko at masakit din 'yong paa ko sa pagkakalaglag.

"Aray." Hay. Dapat hindi na lang talaga ko sumakay sa kabayo. Ito na nga bang sinasabi ko eh!

"Hey." Rinig kong sabi niya pero hindi ako lumingon.

"Hey alien."

"Wag mo kong kausapin." Bwisit ka!

Naglakad lang ako at maya-maya lumapit siya at hinarangan ako.

"Sabi mo okay ka lang."

"Okay nga lang ako! Nakakahinga pa naman ako!"

"Okay fine."

Ugh. 'Okay fine.'?!

Pero bigla niya kong.. binuhat sa balikat niya na parang kinikidnap!

"Hoy ano bang ginagawa mo? Ibaba mo nga ko! Kaya ko namang maglakad!" Kung bubuhatin niya ko pwede namang 'yong pa-sweet na pang-prinsesa. Bakit 'yong ganito pa?! Tsch.

Napatingin ako sa likod niya. Sira 'yong tshirt niya at may sugat din pala siya sa likod.

"M-may.. sugat ka din."

"That's fine."

Hindi na siya nagsalita hanggang sa nakarating kami sa bahay tapos inupo niya ko sa sofa.

"Aray!" Lumuhod siya para tignan 'yong sugat ko tapos tinignan niya ko. "Oh ano?"

"Dito ka lang muna." Tapos naglakad siya. Pagkatalikod niya, nakita ko nanaman 'yong sugat niya. Bato ba siya? Hindi niya nararamdaman?

Maya-maya pa bumalik siya na may dalang mga pang-gamot sa sugat at inumpisahan na niyang gamutin 'yong sugat ko.

"Gagamutin ko din 'yong sugat mo." Sabi ko.

"Wag na."

"Pero.."

"Wag na."

"Wag ka na ngang mag-inarte diyan! Sabi nang gagamutin ko eh!"

Pagkatapos niyang gamutin 'yong sugat ko, pinatalikod ko siya tapos ako namang 'yong gumamot sa sugat niya.

"Oh anong nangyari sa inyo?" Dumating sina tita.

"Tumakbo po kasi ng mabilis si Macky kaya nalaglag kaming dalawa."

"Okay lang ba kayo?" -Mama

"Opo. Maliit na sugat lang naman."

You are the oneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon