Chapter 75 - LQ 101

353 8 1
                                    

Chapter 75 - LQ 101

[Julienne's POV]

"Alis na."

"Ano bang nangyayari diyan?" Biglang dumating sina Mama at Papa.

Hay, ayoko nga siyang makita, tapos bigla naman siyang dadating dito! Napabuntong hininga na lang ako.

"Umalis ka na." Pilit ko siyang hinihila palabas ng bahay.

"Stephen, umalis ka na lang. Hayaan mo na muna si Julienne dito." Sabi ni kuya tapos lumapit siya. "Alam mo bang umuwi 'yan kagabi nang umiiyak tapos nagdadrama--" Anak ng! Tinakpan ko nga 'yong bibig niya!

"Kuya!"

"Hindi naman uuwi nang bigla dito si Julienne nang wala lang. Mag-ayos na kayo." Sabi ni Papa.

Napayuko na lang ako tapos tumingin sa kaniya.

"Hindi ba pwedeng hayaan mo na lang muna ko dito? Umalis ka na."

"Maupo ka." What?

"Pa!"

"Paano niyo maaayos 'yan kung hindi kayo mag-uusap? Sige na."

Aish. Bahala siya. Ayoko siyang kausapin. Naupo siya do'n at tinignan ko lang siya. Pumunta na lang ako sa kusina para uminom ng tubig. SInundan naman ako ni Mama.

"Ely."

"Ay. Oh, Ma?"

"Mag-usap kayo ni Stephen."

Umiling ako. "Ayoko po." Basta, ayoko na muna siyang makausap. Bakit ba kasi pinuntahan niya pa ko? Nakakainis talaga siya.

"Pero pinuntahan ka niya para magkausap at magkaayos kayo."

"Ma, ano namang pag-uusapan namin? Alam ko na 'yan eh. Hindi naman niya kailangang i-explain 'yon. Gets ko na 'yon eh. Okay na. Kailangan ko lang ng time hanggang sa maging okay ako ulit. Kaya lang ayan, bigla naman siyang dumating. Kung kailan naman fino-focus ko na 'yong sarili ko sa ibang bagay. Hindi ba pwedeng hayaan niya muna ko na makapag-isip? Hindi niya kasi ako naiintindihan."

"Eh paano nga niya maiintindihan kung hindi kayo mag-uusap?"

"Kapag nag-usap kami, ano namang sasabihin niya? Ayoko na muna. Paalisin niyo na siya, Ma. Please."

"Hayaan mo lang muna siya diyan. Eh di 'wag mong pansinin kung ayaw mo."

Oo nga naman.

Nag-mop na ulit ako at nakita ko siya na nakaupo doon sa sofa habang nakikipaglaro kay Cider. Sige Julienne, magpanggap ka na lang na wala kang Stephen na nakikita. Wala siya. Wala. Hangin lang 'yan.

Nag-mop ako hanggang doon sa kinauupuan niya.

"Julienne." Wala kang naririnig. "Ely." Wala. "Alien." Walang tao diyan--anak ng tupa! Inagaw niya 'yong mop. Hay! Tinignan ko siya ng masama.

"Hindi mo ba talaga ko kakausapin?" Inagaw ko na ulit 'yong mop pero ayaw niyang bitawan. So ayon, agawan ng mop ang naganap na eksena. Aish.

Hanggang sa nabwisit ako at no'ng hinatak ko, binato ko pabalik.

"Ano ba?! Ano bang problema mo?! Ano ba kasing ginagawa mo dito ha?!"

"Kasi nga gusto kitang kausapin. Ikaw? Ano ba kasing problema mo?"

"Wow?! Anong problema ko?!"

"Okay, kung--"

"Okay?! Okay! Umalis ka na!" Tinulak-tulak ko siya.

"Hindi ako aalis dito nang hindi ka kasama."

"Talaga?" Tumigil ako at tumingin sa kaniya.

"Oo!"

You are the oneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon