Chapter 90 - Important client

567 9 2
                                    

Chapter 90 - Important client

[Julienne's POV]

Aray. Ano bang nangyari, bakit ang sakit ng ulo ko? Ah. Naginuman nga pala kami kagabi. Birthday nga pala ni Lea.

Bumangon ako at naghilamos. Ugh. Amoy alak pa din ako.

Habang nagpupunas ako ng mukha, bigla akong may naalala. Pusang gala!

"Next time, be careful."

"S..S-Stephen?"

Pusang gala talaga!

Tumakbo agad ako papuntang sala at kusina. Walang ibang tao. Lumabas din ako at tumingin sa magkabilang gilid. Wala.

Ano 'yon? Panaginip? Baka nga. Baka nga nanaginip lang ako. Pero, paano ako nakauwi?

Napakamot na lang ako ng ulo. Sigurado akong panaginip lang 'yon.

Nag-ayos na ko para pumasok sa university at pagkalabas ko ng pinto, nagulat ako nang makita kong nakatayo do'n si Tyrone.

"Okay ka na?"

"Huh?"

"Ang sabi mo hindi ka magpapakalasing? Eh anong nangyari sayo kagabi?"

Tinignan ko lang siya na parang nagsasabing 'Paki-linaw nga, please. Di ko gets.'

"Kung hindi kita nakita kagabi, anong mangyayari sayo? Anong balak mo? Sasakay ka ng taxi? Paano ka makakauwi? Paano kung may nangyaring masama sayo?"

Ugh!

"Kung gano'n I.. ikaw 'yon?"

"Tsch."

"Ugh! Sorry!" Lumapit agad ako sa kaniya. "Sorry Tyrone! Akala ko si.. ugh. Sorry."

"Huh? Akala mo sino?"

"Ha? Ah.. w-wala." Pabulong ko lang yatang nabanggit 'yon kagabi kaya hindi niya narinig. Mabuti naman.

"Tara na. Ihahatid na kita, baka ma-late ka pa."

Umalis na kami.

"Ano nga palang ginagawa mo do'n kagabi?"

"Susunduin na dapat kita. Eh sakto naman nakita kitang lumabas."

"Sorry ah. Wala na din kasi ako sa sarili no'ng mga oras na 'yon eh. Nadala lang kasi, alam mo na.."

"Oo na. Okay na. Okay lang naman. Ang mahalaga, safe ka."

Lumipas na ang mga araw at umalis na din si Tyrone. Mag-isa nanaman ako dito. Nagpakabusy na lang ako sa pag-aasikaso para sa graduation at sa trabaho. Babalik si Tyrone dito sa graduation day ko.

"Julienne. Are you going back to the Philippines after we graduate?" Tanong ni Ria. Kaklase ko. Australian siya na dito din piniling mag-aral.

"No. I want to go back but I need to earn money to have my own fashion boutique in the Philippines. I have a lot of plans and I'm working really hard to make those dreams come true. I will go back as soon as I earn enough money for that. How about you? Are you going back immediately?"

"Yes. I have to. I missed my family so much. I'm planning to work in my country after this." Mayaman naman kasi sila eh kaya hindi niya kailangang maghirap gaya ko.

"Hm. So, I guess we will not be seeing each other for a long time after we graduate."

"But we should still keep in touch!"

"Of course!"

Papasok na ko ng trabaho at habang nasa taxi, tinawagan ko si Mama para kamustahin sila.

You are the oneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon