Chapter 23 - Couple bracelet
[Julienne's POV]
Ang weird niya.
Para siyang over-protective jealous husband. At ako naman, jusko, pigil na pigil ang kilig! Hindi ko naman inaasahan na maririnig ko 'yon mula kay Stephen, like.. duh? Ni hindi niya nga ako gusto aasa pa ba ko?
Ngumiti na lang si Jack tapos hinila na ko ni Stephen palayo hanggang makarating kami malapit sa kubo.
"Are you stupid? Hindi ka ba naturuan ng preschool teacher mo na hindi ka dapat nakikipag-usap sa mga taong hindi mo kilala?" Sabi niya pagkabitaw niya sa braso ko.
"Ano? Hoy wag mo ngang idamay dito 'yong preschool teacher ko. Una sa lahat, alam ko 'yon. Pangalawa, kahit na pilitin niya kong sumama hindi naman ako sasama. At pangatlo--"
Napatigil ako. Pero after three seconds nagsalita na din ako.
"Pangatlo, bakit mo ginawa 'yon?"
"Ang alin?"
"Ang weird kasi. Parang.. hindi ikaw si Stephen. Teka, sino ka? Nakamaskara ka ba? Sino ka?"
Pinilit kong tanggalin kung may maskara nga talaga siya.
"Aray! Aray! Julienne ano ba?! Tumigil ka nga ano bang ginagawa mo?!"
Oops. Wala siyang maskara. Awkward.
"Ano ba?!" Sigaw niya.
"Sorry. Akala ko kasi nagpapanggap kang si Stephen."
"Ano?! You're insane! How can--ugh. What kind of stupid are you huh?"
"Positive. Ikaw nga si Stepehn. Tsch." Sa kasungitan niya, walang iba, si Stephen nga 'to.
"Aish. You're a special kind of stupid."
"Pero bakit nga?"
Umiwas siya bigla ng tingin.
"Because.. because you're an idiot!."
"Ano?!"
"You're stupid baka mahawa siya sayo. Mahirap na."
"Aish. Halika dito lulunurin kita!" Hinilahila ko siya sa braso pero--ugh! Binuhat niya ko!
"Hoy! Ibaba mo ko saan mo ko dadalhin?!"
Papunta kami sa dagat. Hala lulunurin niya ba ko?! May balak ba siyang patayin ako?! Naku juice ko.
Nakarating na kami sa dagat at naglalakad na siya hanggang sa hanggang bewang na niya 'yong tubig. Nababasa na din ako!
"Stephen!"
Bigla siyang tumigil.
"I love to swim. Hindi mo ko kayang lunurin." Sabay smirk.
"Ibaba mo ko--ay teka teka! Wag pala baka--"
Anak ng! Binaba ako kaya naman bumagsak ako sa tubig! Wow napakagentleman!
"Ugh! Ano ba?!"
"Sabi mo ibaba kita diba? Saka, we should enjoy this day." Ngumiti siya tapos tinalsikan niya ko ng tubig sa mukha.
"Let's go." Sabi niya.
"Saan?"
"Maglakad-lakad tayo."
Pumayag na lang ako. Nilalamig ako sa lakas ng hangin eh nabasa pa ko dahil sa ginawa nito ni Stephen!
Habang naglalakad, pinupulot ko 'yong magagandang seashells na nakikita ko.
BINABASA MO ANG
You are the one
RomancePaano kung paggising mo isang umaga, malaman mo na lang na ikakasal ka na pala sa taong hindi mo naman kilala? Dalawang magkaibang mundo ang pilit na pinagtagpo. Dalawang taong pinagtagpo nang dahil sa isang kasunduang nabuo. Magkasundo kaya sila? O...