Chapter 67 - Teddy Bearie
[Julienne's POV]
Marami din akong nakain at nakatawa na din ako. Nalaman na din nina Mommy at Lola na hindi na ko aalis. Nanghinayang sila pero si Lola, masaya na hindi ako aalis. Eh diba nga kasi ayaw niya talaga na umalis ako?
"I cooked something. Masarap 'yan! Nagsearch pa ko kung paano 'yan gawin." Sabi ni Stephen habang siniserve niya 'yong pagkain.
"Bakit?"
"Anong bakit?"
"Bakit mo ba ginagawa 'to? May sakit ka?"
"Ugh. Ano ba? Hindi mo ba nakikita? I'm trying to make you feel better 'cause I know how upset you are because you can't go. Gumising pa ko ng maaga para diyan."
Napangiti ako. Sus!
"Kain na."
Habang kumakain, bigla siyang nagsalita.
"Honestly, I feel relieved that you'll not go."
"Ano?!"
"Alam mo naman na ayaw kong umalis ka diba? Saka, akala ko ba okay na? Na magpapakapositive ka na lang."
"Oo nga pero, hay hindi ko maiwasang malungkot kapag naiisip ko na hindi ako matutuloy na umalis."
"Again, uulitin ko nanaman ah. Makinig ka para hindi ko na ulitin ulit. Sigurado ako na may iba pang chance para sayo. Hindi lang 'yan. May mas malaking opportunity na darating."
"Oo na. Alam ko 'yon. Sige na. Kumain na muna tayo, baka ma-late pa tayo niyan eh."
After naming kumain, habang nagliligpit kami ng pinagkaian, biglang may nagdoorbell. Nagvolunteer na ko na ako na 'yong magbukas.
May.. lalaking naka-cap at may hawak na malaking teddy bear at bouquet. Naliligaw ba siya?
"Ms. Julienne Larosa?"
"Po?" Ah, actually.. Prieto na. Di siya nainform?
"Delivery po para sa inyo." Wow what?!
"Ha? Sa 'kin? Bakit? Sure ka?"
"Opo. Ito po oh. Pangalan at address niyo 'yong nakalagay." Pinakita niya sakin at, oo nga.
"Huh? Kanino naman 'to galing?"
"Kay.. Mr. Tyrone Villamor po."
"Ano?! Kay T-Tyrone?"
"Ah, opo. Pakipirmahan na lang po 'to."
Uy wait. Seryoso?!
Pinirmahan ko na tapos nagpasalamat sa kaniya at umalis na siya.
Ang laking teddy bear nito! Parang si Twinkle!
May nakita akong note na nakaipit sa bouquet.
'Hi, Ely! Surprised? Don't frown. Everything will be alright, okay? I'm always here for you, kaya wag ka nang malungkot. Hindi bagay sayo. I hope this small present from me will make you smile. Have a nice day! :) -Tyrone'
Si Tyrone talaga! Nag-effort pa, nakakahiya. At anong small present? Ang laki kaya nito! Sino namang hindi mapapangiti kapag nakatanggap ng ganitong regalo nang ganito kaaga at may kasama pang sulat?
Pagkapasok ko ng bahay, nagulat si Stephen nang makita niya yong hawak ko. Natural magugulat talaga siya.
"Ano 'yan? Saan-- I mean, kanino galing?! May secret admirer ka? May nanliligaw ba sayo ha? Ang lakas naman ng loob niyang ipadala 'yan dito sa bahay natin! Akin na nga 'yan!"
BINABASA MO ANG
You are the one
RomancePaano kung paggising mo isang umaga, malaman mo na lang na ikakasal ka na pala sa taong hindi mo naman kilala? Dalawang magkaibang mundo ang pilit na pinagtagpo. Dalawang taong pinagtagpo nang dahil sa isang kasunduang nabuo. Magkasundo kaya sila? O...