Chapter 30 - Joke nga lang ba?

260 7 0
                                    

Chapter 30 - Joke nga lang ba?

[Julienne's POV]

Kumain lang kami ng mga dala nila habang nagkukwentuhan. Tinuruan pa ko ni Tita kung paano maglaba at magplantsa. Marunong ako no'n! Hindi naman ako lumaking may katulong sa bahay.

Ang kaso nga lang.. hindi ako masarap magluto. Ah ewan ko ba! Hindi ko namana kay Mama ang galing niya sa pagluluto.

Habang nag-uusap sina Tita at Stephen, nilapitan ako ni ate Diana.

"Ano, Julienne? How is it going so far huh?"

"Po? Ang alin?"

"Ano ka ba! Oplan: Fall for me, remember?"

"Ahh. Hehe. Malabo talaga 'yon ate. Wag na nating ituloy."

"No! Bakit naman?"

"Eh kasi nga.." Tumingin muna ko kay Stephen. Busy naman siyang nakikipag-usap kay Tita.

"Hm?"

"Kasi nga po.. si Clarisse yung gusto niya. Eh paano naman mangyayaring magugustuhan niya ko? Pano ko naman matatapatan 'yong ganda ni Clarisse?"

Tinapik niya ko sa pisngi.

"You're beautiful. You just need to know how to be confident about it." She smiled. Napangiti na din ako.

Ang mali kasi dito, hindi ko naman balak at gusto na magkagusto si Stephen sakin. Eh para saan ba kasi tong ginagawa ni ate Diana?

"Do your best! Kakampi mo ko! Kahit sino pang babae ang lumapit kay Stephen, ikaw pa rin naman 'yong asawa niya. Don't worry, nandito si ate Diana to help you, okay?"

Ngumiti na lang ako. Bakit ba kasi--ugh. Bahala na nga siya.

"Oh pano, mauna na kami. Nandito pa naman si Mina kaya maipagluluto niya pa kayo ng dinner." -Tita

"Hm. Salamat po. Ingat po kayo sa pag-uwi."

Umalis na din sila. Nauna na kong pumasok tapos nagsalita siya kaya naman napalingon ako.

"Oh alien. Alam mo na siguro kung anong trabaho mo."

"Ano?"

"Trabaho mo lahat 'yon." Sabi ko na nga ba.

"Ugh. At bakit ako lang? Nakatira ka din naman sa bahay na 'to ah. Anong akala mo sakin, katulong mo?"

"Trabaho 'yon ng isang mabuting asawang babae."

"Hoy. Ang mabuting asawang lalaki, tumutulong din sa mga gawiang bahay."

"Sorry pero hindi ako mabuting asawang lalaki."

"Ugh. Hoy Stephen Prieto, hindi porket lumaki ka sa luho, hahayaan kitang gawin 'yan sakin. Kailangan matuto ka rin!"

"Gigising ka ng 6AM para magluto ng almusal. Dapat nandito ka na bago mag6PM para magluto ng hapunan. Every sunday, kailangan mong linisin ang buong bahay--"

"Ugh. Nakagawa ka na agad ng timetable para sa mga gagawin ko ah. Eh ikaw anong balak mong gawin?"

"Kung anong gusto ko. Kaya mo 'yan. good luck." Ngumiti pa siya at naglakad palayo.

"Hoy! Hoy! Ugh! Bahala ka! Hindi ko susundin 'yang mga sinabi mo!"

Tibay din talaga nito eh no?! Akala ba niya gagawin ko 'yon? Bahala siya! Gigising ako kung anong oras ko gustong gumising at uuwi ako kung anong oras ko gustong umuwi!

Umakyat na ko sa kwarto at nagpatuloy sa paggawa ng project. Nang maya-maya, nagring 'yong phone ko. Tumatawag si Mama.

"Hello ma!"

You are the oneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon