Chapter 13 - Party
[Julienne's POV]
Nagpunta muna ko sa balcony para magpahangin at magpaantok.
"Julienne hija?"
"Oh. Hi tita. Bakit hindi pa po kayo natutulog?"
"May mga ginawa lang ako. Ikaw?"
"Nagpapaantok lang po ako."
"Okay ka lang ba? Mukha kasing may iniiisip ka."
Tama! Yung 800,000 pesos!
Ah.. pano ko ba sisimulan? Nakakahiya.
"Ah.. nakakahiya naman po."
"Sige lang sabihin mo na. Wag ka nang mahiya."
"Kasi.. dalawang araw bago kami ikasal ni Stephen, nalaman ko po na.. may problema."
"Anong problema?"
"Wag niyo po sanang masamain pero kasi.. nalaman ko po na meron silang malaking utang. At hindi po namin kayang bayaran 'yon kaya ngayon.. namomroblema na din ako kung papano ko 'yon babayaran."
"Utang?"
"Hm. Pinangbili po 'yon ng kotse ng kuya ko saka ginamit na din para makapasok ako sa Brennan."
Ugh. Nakakahiya talaga. Ewan ko pero feeling ko ang cliche na mahirap ako tapos nakilala ko si Stephen na mayaman at meron kaming utang tapos sa kanila ko hihingi ng tulong para solusyonan 'yon. Tsch. Tama, ang cliche talaga pero halos lahat naman ng stories cliche na dahil halos lahat, nabasa o napanood niyo na depende na lang siguro sa takbo ng istorya, diba?
"Bakit? Magkano ba 'yong utang niyo?"
"Naku nakakahiya naman po."
"Why? Tell me."
"Eight hundred.... thousand pesos.."
"You don't have to worry hija. I'll take care of that."
"PO?!" Uy wala pa kong sinasabi...
"Hm. Ako nang bahala--"
"Naku, nakakahiya naman po--"
"Simula nang ikasal ka kay Stephen, parte ka na din ng pamilya namin kaya kung ano man ang problema mo, sabihin mo lang samin at gagawin naman ang makakaya namin para matulungan ka." She smiled.
Woah. Ang bait talaga ni Tita. Nakakahiya nga lang talaga. Huhu. Ang cliche talaga eh nakakainis.
"Sigurado po ba kayo? Baka dahil dito biglang magbago 'yong tingin niyo sakin at sa pamilya ko. Tulad ng.. mga napapanood ko sa mga dramas."
"What? Hahaha! In real life, you can't actually apply all of those. It may sound cliche but, of course I am willing to help you."
"Thank you po talaga tita. Paano ko po.. mababayaran 'yon?"
"What? Julienne, for real? You don't have to!"
What?!
"Po?"
"That's okay hija. Wag mo nang problemahin 'yon."
"Pero.."
"Okay lang 'yon hija. I wanna help."
"Ugh. Napakabait niyo po talaga, tita. Kaya hindi ko alam kung saan nagmana si Stephen eh. Pero.. promise, magpapakabait po ako at gagawin ko po lahat para di kayo madisappoint sakin! Aalagaan ko si Stephen at magiging mabuting daughter in law para sa inyo. Thank you talaga tita."
BINABASA MO ANG
You are the one
RomansaPaano kung paggising mo isang umaga, malaman mo na lang na ikakasal ka na pala sa taong hindi mo naman kilala? Dalawang magkaibang mundo ang pilit na pinagtagpo. Dalawang taong pinagtagpo nang dahil sa isang kasunduang nabuo. Magkasundo kaya sila? O...