Chapter 5 - Music video shoot
[Julienne's POV]
"Salamat ah. nag-enjoy din ako ngayong araw. Saka, salamat din sa panlilibre mo sakin ng ice cream."
"Wala yun. Nag-enjoy din ako. Salamat sa time mo na makipagkwentuhan. Ang saya mo palang ka-date."
"Ha?" Ano daw--D-date?
"Sabi ko masaya kang kadate. Sige na. Pumasok ka na sa loob maggagabi na."
"Uhh.. sige. Salamat ah! Ingat ka pauwi!"
Ngumiti siya bago sumakay sa kotse niya at umalis.
"Hoy!"
"Ay kabayong pula! Kuya ano ba?!"
"Ano 'yon ha? Ikakasal ka na tapos nakikipagdate ka pa sa iba?"
"Sino namang nagsabi sayo na nakipagdate ako?"
"Narinig ko kakasabi lang niya. Ikaw ah."
"Psh. Friendly date lang 'yon! Saka, ako nga hindi ko iniisip na date yun eh. Kumain lang naman kami ng ice cream."
"Alam mo hindi ka na dapat sumasama sa kung sino-sino pang lalaki. Ikakasal ka na."
"At bakit? Ginusto ko ba 'yon? Saka, diba dapat nga ienjoy ko 'yong mga natitira kong araw na dalaga pa ko?"
"Hay oo na pumasok ka na nga sa loob. Baka mamaya niyan nangangarap ka pa ng gising na magustuhan ka din no'n."
"Ugh."
"Pasok na."
Hay panira ng moment.
"Hi Ma! Hi Pa!"
"Oh buti naman umuwi ka na. Malapit na tayong maghapunan." -Papa
"Saan naman kayo nagpunta ni Tyrone?" -Mama
"Diyan lang po sa plaza saka kumain kami ng ice cream. Nagkwentuhan lang kami. Oo nga pala, nasabi ko na ba sayo na kaibigan niya si Stephen?"
"Ha? Kaibigan ni Tyrone si Stephen?" -Mama
"Hm. Magkababata sila. Nagulat nga din ako no'ng nalaman ko eh. Oo nga po pala, niyaya ako ni Stephen na pumunta sa music video shoot na project nila bukas."
"Pupunta ka?" -Dad
"Hm."
Uminom na muna ko ng tubig. Nakakauhaw.
"Alam mo anak, sa tingin ko naman, bagay kayong dalawa ni Stephen--"
*Cough cough*
Ugh. Muntik ko nang maibuga palabas pati atay at lungs ko.
"Ano?!"
"Magkakasundo din kayo no'n. Kailangan niyo lang sigurong mas makilala ang isa't-isa." -Mama
"Hay bahala na nga. Teka, tayo ba.. wala tayong gagawing preparation para sa kasal?"
"Ang sabi naman kasi nila, sila na ang bahalang umasikaso para sa lahat." -Papa
"Pero.. hindi ba nakakahiya naman?"
"Ely, hindi din naman natin kayang gumastos ng malaki para sa kasal niyo." -Mama
"Oo nga. Saka sila naman yung mayaman 'no. Isa pa, sila yung may gusto na ipakasal ka sa anak nila kaya dapat lang na sila na gumastos ng lahat." -Kuya
"Tsch. Sige, sabihin nating gano'n na nga."
Pagkatapos naming maghapunan, pumunta na ko sa kwarto ko. Nakaupo ako sa kama habang kinakausap si twinkle.
BINABASA MO ANG
You are the one
RomancePaano kung paggising mo isang umaga, malaman mo na lang na ikakasal ka na pala sa taong hindi mo naman kilala? Dalawang magkaibang mundo ang pilit na pinagtagpo. Dalawang taong pinagtagpo nang dahil sa isang kasunduang nabuo. Magkasundo kaya sila? O...