Chapter 81 - It's still her
[Julienne's POV]
"Hindi ka pwedeng magdrive nang lasing ka! Ano ka ba?! Gusto mo bang maaksidente ha?!"
"Leave me alone!"
"Hindi ka nga kasi pwedeng magdrive nang ganyan ka! Maaaksidente ka niyan eh! okay, ganito na lang. Tatawagan ko na lang si Stephen para sunduin ka dito."
"Get off me!"
"Clarisse makinig ka sakin--"
"Just leave me alone! I don't need you! I don't need your opinion, I don't need your fucking help! Get lost!" Itinulak niya ko pero tumayo ulit ako para pigilan siya.
"Clarisse--"
"Ano ba?!" Itinulak niya ulit ako kaya natumba na ko tapos sumakay na siya sa kotse niya. Lagot!
Tumayo ako at kinatok-katok ko 'yong bintana ng kotse niya para pigilan siya pero nagpatuloy pa din siya sa pagdrive! Lagot na!
"Clarisse! Clarisse!!"
Ugh! Ang tigas ng ulo! Naku lagot na. Anong gagawin ko?!
Kinuha ko agad 'yong phone ko para tawagan si Stephen pero hindi ko pa man siya nako-contact, may narinig akong malakas na ingay.
Ugh! Ohmygod! Clarisse!
"Clarisse!" Ohmygod! Ohmygod! Nabangga 'yong kotse niya sa poste ng ilaw.
Di pa naman kalayuan kaya nagmamadali akong tumakbo papunta sa kaniya.
"Clarisse! Naku, ano bang gagawin ko--Clarisse!" Naka-lock 'yong pinto kaya hindi ko mabuksan. Wala siyang malay sa loob at puro dugo! Maya-maya pa, pinalibutan na kami ng mga tao. Ugh. Naku, lagot.
***
Hindi ako mapakali at palakad-lakad ako habang nag-iintay na lumabas 'yong doktor na tumitingin ngayon sa lagay ni Clarisse. Tinawagan ko na din si Stephen para ipaalam sa kaniya 'yong nangyari.
Ugh. Paano kung.. malala 'yong nangyari sa kaniya? Paano kung magka-amnesia? Paano kung ma-comatose siya?! Ugh hindi pwede, paano naman si Stephen?! Hay nakakainis, hindi 'to pwede!
Ayaw niya kasing makinig sakin eh! Hindi pwede. Dapat maging okay lang siya kasi.. kasi, paano kung mawala siya? Anong mangyayari kay Stephen?
Ohmygod, 'wag naman po.
Pinaglalaruan ko na 'yong mga daliri ko sa kaba, hindi ako mapakali. Palakad-lakad at naiiyak na sa kaba--Ugh! Si Stephen! Dumating na siya!
"Stephen! Stephen si Clarisee--ugh."
"Nurse! Nurse, ano nang lagay niya? Kamusta? Anong nangyari? Ayos na ba siya?!"
Ugh. Nilagpasan niya lang ako na parang walang nakita at dumiretso do'n sa nurse na nakita niyang lumabas mula sa kwarto.
"Kasalukuyan pa siyang ginagamot at minomonitor ang lagay niya. Excuse me."
"Ugh. Clarisse..."
[Now playing: If by Juris]
Naupo siya sa bench at yumuko. Naiyak na ko habang nakatitig sa kaniya. Sobrang nag-aalala siya. Ngayon ko lang siya nakitang ganito.
"Shit." Bulong niya na may kasamang pagsipa sa sahig.
Ang sakit.
Ang sakit makita na ganyan siya kung mag-alala para kay Clarisse. Kailangan ko na din yatang magpa-admit sa ospital dahil sa paninikip ng dibdib.
BINABASA MO ANG
You are the one
RomansaPaano kung paggising mo isang umaga, malaman mo na lang na ikakasal ka na pala sa taong hindi mo naman kilala? Dalawang magkaibang mundo ang pilit na pinagtagpo. Dalawang taong pinagtagpo nang dahil sa isang kasunduang nabuo. Magkasundo kaya sila? O...