Chapter 50 - LQ

275 5 0
                                    

Chapter 50 - LQ

[Julienne's POV]

Napatigil ako sa pag-iyak nang maramdaman kong wala nang pumapatak na ulan sa kin. Nang tumingin naman ako sa paligid ko, malakas pa din 'yong ulan.

Anong nangyari?

Tumingala ako, may payong. Payong? Saan galing 'to?

Pagkatingin ko sa likod, si Stephen. Ugh.

"Tapos ka na bang umiyak?"

Bakit ba sinundan niya pa ko? Pagkatapos niya kong sigaw-sigawan kanina? Tsch.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Bakit tumakbo ka palabas, nakita mo na ngang umuulan? Gusto mo bang magkasakit? Nag-iisip ka ba?"

Tumayo ako at tumingin sa kaniya.

"Anong ginagawa mo dito? Akala ko ba makikipagkita ka kay Clarisse?"

"Tignan mo nga 'yan, kanina ayaw mo na makipagkita ako sa kaniya tapos ngayon naman na hindi ako nakipagkita magtatanong ka kung bakit."

"Wag mo kong kausapin." At naglakad ako palayo.

"Hoy!"

Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang sa paglakad. Huli na, badtrip na ko sa kaniya.

"Julienne!"

"Ano?! Wag mo kong sundan! Makikipagkita ka kay Clarisse diba? Puntahan mo na siya!"

"Aish. Don't act like a kid. Tumigil ka nga! Umuwi na tayo!"

"Umuwi ka mag-isa mo!"

"Julienne stop this! Kapag nagpaulan ka pa baka magkasakit ka--"

"Eh ano naman? 'Wag mo nga kong sundan!"

Naabutan niya din ako at hinawakan ako sa braso.

"Ano ba?!"

"Tara na. Baka may makakita pa satin dito at kung ano pang isipin nila."

"Eh di isipin nila kung anong gusto nilang isipin. Totoo naman na nag-aaway tayo ah?"

"Wag ka na ngang mag-inarte. Umuwi na tayo."

"Ayoko! Kapag hindi mo pa ko binitawan sisigaw ako."

"Ugh. Tumigil ka na. Tignan mo, basang basa ka na. Gusto mo ba talagang magkasakit ha?"

"Aaahh---hmm!"

Binalaan ko na siya pero di pa din niya ko binitawan. No'ng sumigaw naman ako, tinakpan niya 'yong bibig ko. Got 'ya. Binitawan niya ko dahil nga tinakpan niya 'yong bibig ko.Naghintay lang ako ng tyempo at tumakbo palayo.

"Sht. Julienne!"

Nagbelat ako sa kaniya at tumakbo pero hinabol niya pa din ako. Ugh ayaw pang sumuko!

Hanggang sa naabutan nanaman niya ko pero this time, pagkahila niya sa braso ko, niyakap niya 'yong isa niyang braso sa likod ko. So ayun, binitawan niya 'yong payong at pareho na kaming basa sa ulan.

"Ano ba? Bitawan mo nga ko!"

"I'm sorry." Sabi niya kaya naman napatigil ako.

"Hindi ko sinasadya 'yong, nangyari kanina. Nabigla lang ako kaya nasabi ko 'yon. Sorry."

"Kahit na magsorry ka pa at hindi mo sinasadya, nasabi mo na. Nasaktan na ko sa mga narinig ko."

"Sobrang stressed lang ako sa mga nangyayari kaya nasabi ko 'yon. Okay? Sorry na. Umuwi na tayo, huh?"

You are the oneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon