Chapter 6 - Heart to heart talk
[Julienne's POV]
"Alam niya ba na sobra sobra siyang nakakainis at ang sarap na niyang ibaon sa lupa?!"
Reklamo ko habang nagpapalit ng damit.
Pagkalabas ko nakita ko siya dun kaya lumapit agad ako.
"Tapos naman na diba? Kailangan ko nang umalis may pupuntahan pa ko."
"Aalis ka na?"
"Bingi ka ba? Sa susunod mo na lang ako ilibre. Bye."
Paalis na sana ko pero biglang sumigaw si Drake ng.. "Uy Clarisse!"
Kaya naman napahinto ako.
"Hi! Sorry ngayon lang ako nakarating. May lakad kasi ako eh. Tapos na yata kayo."
"Oo nag-aayos na."
Napatingin siya dito at nakita niya ko. Nagfake smile ako sa kaniya pero tinignan niya lang ako.
Napansin ko na tinignan niya din si Stephen pero si Stephen, busy na naglalaro sa phone niya.
"Stephen." Sabi ko.
"Hm?"
"Stephen."
"Ano ba yun? Wag ka ngang istorbo kung aalis ka umalis ka na."
"Nandito si Clarisse."
"Ano?" Napahinto siya at napatingin kay Clarisse.
Nagkatinginan pa silang dalawa. Uhh.. mukhang kailangan ko na ngang um-exit dito.
"Sige na aalis na ko! Teka sandali, hindi ka man lang ba magte-thank you sakin?!"
"At bakit naman ako magpapasalamat sayo eh puro gulo nga 'yong ginawa mo."
"Hoy! Malaki 'yong utang na loob mo sakin dahil pumayag ako na sumama dito sa music video shoot niyo!"
"Fine. Thanks. Happy? Now go."
"Ugh. Bwisit."
"Ah.. Mauna na ko." Sabi ko kina Tyrone.
"Hatid na kita." -Tyrone
"Hindi na magtataxi na lang ako."
"Sure?"
"Oo okay lang. Sige na."
"Sige. Ingat!"
"Ingat!" -Drake
"Ingat Julienne! Salamat sa pagpunta!" -Patrick
I smiled tapos umalis na. Hay buti pa sila mabait sakin. Di kagaya no'ng isa diyan!
Nagpahatid na lang ako sa taxi do'n sa address na binigay sakin nina Eulla.
Nang makarating ako, sinalubong nila ko agad.
"Ely! Ano ka ba bakit ngayon ka lang dumating?" -Shane
"Pasensya na. Eh.. kasi--"
"Saka bakit ganyan 'yong suot mo? Hindi ka pa nag-ayos? Tara na nga!" -Eulla
Pumasok kami sa loob tapos may isang kwarto at doon nila ko inayusan.
"Hindi naman na kasi talaga kailangan ng party na 'to eh."
"Kailangan 'to no. Ienjoy mo na lang!" -Eulla
Binihisan din nila ko ng magandang dress tapos lumabas na kami.
May malakas na party music at may iba pang mga invited.
"Okay okay tahimik! Nandito na ang star of the night!" -Shane
BINABASA MO ANG
You are the one
RomancePaano kung paggising mo isang umaga, malaman mo na lang na ikakasal ka na pala sa taong hindi mo naman kilala? Dalawang magkaibang mundo ang pilit na pinagtagpo. Dalawang taong pinagtagpo nang dahil sa isang kasunduang nabuo. Magkasundo kaya sila? O...