Chapter 83 - Choose me or lose me

545 7 0
                                    

Chapter 83 - Choose me or lose me

[Julienne's POV]

Dahan-dahan akong naglakad papuntang kusina. Nag-aayos na siya ng almusal.

Nginitian niya ko. Ugh.

"Bakit ngumingiti-ngiti ka diyan ha? Hoy, anong ginawa mo? Anong nangyari?!"

"Tsch. Bakit kailangan mo pang itanong 'yan?"

"Stephen!"

"Ano?! Hay ewan ko sayo, 'wag ka ngang umarte diyan na parang lugi ka pa." Natatawa niyang sabi.

"Ano?!" Aba!

"Bakit ano namang masama do'n? Wala namang masama do'n ah! Mag-asawa naman tayo."

Ugh. Ewan ko kung paano ako magrereact.

"Bakit ka nga pala umiiyak kagabi?"

"Huh?" Nagising kasi siya nang umiiyak ako pero pagkatapos ko na 'yong magdrama kaya hindi niya narinig 'yong sinabi ko. "W-wala. Wala lang."

At 'yon nga, no'ng nagising siya, doon na nagsimula ang.. hmm.. alam niyo na 'yon.

"Umiiyak ka ng walang dahilan? Hay kung ano man 'yang iniisip mo, tigilan mo na. Tara, kumain na tayo."

Hay.

Nang matapos nga kaming mag-ayos, hinatid na niya ko sa Brennan.

"5PM tapos ng klase mo ngayon diba?"

"Hm. Hindi mo ba.. pupuntahan si Clarisse ngayon?"

"I'll just text you if I can pick you up. Teka, paano ka nakauwi kahapon? Nagtaxi ka?"

"Ah.. ano.. h-hinatid ako ni Tyrone."

"What? Bakit? Responsibilidad niya ba na ihatid ka pauwi kapag wala ako?"

"Hindi ano.. kasi.. nagrepresent siya! Tapos niyaya niya kong manood ng sunset kaya nagpunta kami sa seaside--"

"Hindi ko naman tinatanong."

Ugh. Okay? Sungit.

"Sa susunod, manood din tayong dalawa ng sunset."

"Huh?"

"Pero hindi do'n sa pinuntahan niyo. Mas maganda pa do'n. Tapos bibilhan kita ng maraming strawberries."

"Tsch." Natawa ko. Seryoso, anong nangyari sa kaniya? Haha. "Okay." Tapos tumingin na ulit ako sa labas nang nakangiti.

**

"Tyrone!"

"Hey Ely."

"Okay na daw pala si Clarisse sabi ni Stephen."

"Hm. Buti nga 'yon kasi makakaabot pa siya sa finals week."

"Hm. Siguro naman, bibigyan siya ng mga kaibigan niya ng mga notes ng lessons na namissed niya 'no?"

"Ugh. Ikaw talaga, inaalala mo pa 'yon."

"Eh kasi--"

"I know. Hindi mo mapigilang hindi mag-alala sa kaniya dahil si Stephen 'yong iniisip mong maaapektuhan."

"Ha? Ah--"

"'Wag mo nang i-deny. Tara na?" Hinila na niya ko.

May mga hinahabol pa ng lessons, 'yong iba naman naghahabol ng quizzes kasi nga, finals na next week. Pero 'yong iba naman, nirereview na lang kami.

At after next week, summer vacation na! Yes!

"Ely ely!" Tawag sakin ni Eulla.

"Oh?"

You are the oneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon