Chapter 77 - Let's give it a try
[Julienne's POV]
"Okay ka lang? Bakit ang tahimik mo?" Tanong ni Tyrone. Nasa sasakyan niya kami at papunta sa kung saan man niya ko dadalhin.
"Wala. Pagod lang ako, ang dami kasi naming ginawa ngayon eh."
"Oh, gusto mo pa bang sumama o uuwi ka na lang?"
"Ha? Syempre sasama ko. Ayoko pang umuwi eh. Saan ba tayo pupunta?"
"Somewhere na magugustuhan mo."
"Hmm. Strawberry farm?"
Natawa siya.
"Paano naman tayo pupunta ng Benguet? Haha. No. Not there but I'm sure that you will like it."
Nakinig kami ng music at sabay na kumanta tapos magtatawanan. kagaya pa din ng dati, magaan 'yong atmosphere kapag kasama ko si Tyrone. 'Yong para bang wala kang problemang maiisip kasi ang cheerful ng personality niya so mahahawa ka na din.
"Oh. We're here." Tumingin ako sa paligid. Saan 'to? May fiesta? May mga bandiritas at maraming tao tapos may banda na pang-parade.
Hindi ko na napanssin na bumaba na pala siya, nagulat na lang ako nang pagbuksan niya ko ng pinto.
"Ano 'to? Anong meron?"
"Fiesta. Masaya kasi 'yong fiesta dito. May live band, perya, night market at maraming pagkain."
"Wow. Pumupunta ka sa mga ganitong lugar?"
"Actually kami ni Patrick ang magkasundo dito. Pero kapag kaming dalawa ang magkasama, nag-iinom lang kami dito. This year, I want to show you this place. Okay naman diba?"
"Hm! Ang gandang tignan ng mga kulay."
Nag-ikot ikot kami. Tapos namili ng mga makakain at naglaro doon sa may babatuhin kang lata na kailangan mapatumba mo tapos makakakuha ka ng teddy bear.
"Ayan! Ayan! Wooh!" Sa sobrang tuwa ko, nayakap ko siya tapos saglit kaming awkward na nagkatinginan tapos bumitaw na ko. Oops. Nadala lang, sorry.
Nakakuha kami ng isang teddy bear na kulay pink. Medyo malaki din siya. Kuamin kami ng street foods at kung ano-ano pa kaya naman busog na busog kami ngayon. May mga pasta, pizza, kakanin, at kung ano-ano pa.
Marami din kaming napagkwentuhan at sobrang gaan lang talaga ng pakiramdam ko ngayon. Ang sarap kasi talagang kasama ni Tyrone eh. Tapos kahit na anong sbaihin ko, natatawa siya. Di ko alam kung may problema ba sakin 'to o ano. Joke lang.
Hindi ko na namalayan 'yong oras. 8PM na pala.
"Oh ano? Masaya dito diba?"
"Hm! Hindi ko na matandaan kung kailan ako huling nakapunta sa ganito."
"Okay na pumunta dito at magrelax muna bago dumating ang stress week ng finals diba?"
"Hay, pinaalala mo pa. Pero okay nga 'to, marerelax 'yong utak ko saka kahit papano, hindi ko masaydong naiisip ngayon 'yong.."
"'Yong?"
"Ah.. 'yong.. ano.."
"May problema ba? Kilala kita. Ano ba 'yon?"
"Wala."
"Ely."
"Oy! Bili tayo ng cotton candy! Ang tagal ko nang hindi nakakatikim no'n eh! Tara!" Hinila ko siya pero ayaw niyang umalis sa pwesto niya kaya napatingin ako sa kaniya.
"Bibili tayo niyan mamaya pagkatapos mong sabihin skain kung anong problema mo."
"Ano ka ba? Wala naman talagang problema."
BINABASA MO ANG
You are the one
RomancePaano kung paggising mo isang umaga, malaman mo na lang na ikakasal ka na pala sa taong hindi mo naman kilala? Dalawang magkaibang mundo ang pilit na pinagtagpo. Dalawang taong pinagtagpo nang dahil sa isang kasunduang nabuo. Magkasundo kaya sila? O...