Chapter 69 - Eiffel tower necklace

345 6 4
                                    

Chapter 69 - Eiffel tower necklace

[Julienne's POV]

"Anong ginagawa niyan sa kwarto mo?" Nanginginig kong tanong. Naiiyak na din ako kasi sht, all this time nandoon lang pala 'yong passport ko! Eh di sana nakaalis na ko kahapon!

"Ah.."

"Bakit nasa kwarto mo 'yong passport ko?"

Tinignan niya lang ako. Sht. Hindi ko na kaya.

"Stephen, tinatanong kita! Paano napunta 'yong passport ko sa kwarto mo?!" Napasigaw na ko kasi naman! Bakit hindi niya sagutin na lang?!

"I'm sorry." Pagkasabi niya no'n, tumulo na 'yong luha ko.

Ibig bang sabihin no'n..

"I took it. Because I don't want you to leave."

Lalo na kong naiyak. Inis at galit 'yong una kong naramdaman. Anak naman ng tupa oh!

"Look, I'm so sorry Julienne. I'm really really sorry. I can't think of anything that will stop you from going so I just.. did that. Right from the day you said that you're going to study in Paris, you know that I am not in favor of that. I said it before, repeatedly, that I don't want you to go." Medyo natataranta niyang sabi dahil gusto niyang magpaliwanag.

"Pero alam mo din naman na 'yon talaga 'yong gusto ko diba? Ilang beses ko ding sinabi sayo na 'yon talaga 'yong gusto ko. Pero nagpaka-selfish ka." Sabi ko habang umiiyak. Ang sakit na sa lalamunan kasi pilit ko pa ding pinipigilan 'yong luha ko. Pati na din 'yong galit ko.

Kaya mo 'yan Julienne.

"I'm sorry."

Nagpunas lang ako ng luha at naglakad na palayo sa kaniya. Pumasok ako sa kwarto ko dito ako sumigaw na kanina ko pa gustong gawin.

Alam na alam niya na napakahalaga no'n para sakin! Nagpanggap pa siya na concern siya? Na gusto niya kong i-comfort dahil nawala 'yong passport? Ugh, ibang klase.

Dahil lang ayaw niya na umalis ako sa hindi ko naman malamang dahilan, tinago niya 'yong passport ko? Eh ako? Hindi niya naisip 'yong mararamdaman ko. Napakaselfish niya. Sana tinapon na lang niya o kaya naman sinunog para hindi ko na nakita. Kahit papano, hindi masakit kasi hindi ko nakita at nalamang tinago nga niya talaga.

Umiiyak ako nang malakas na parang bata na inagawan ng laruan. Eh kasi ang hirap namang itago sa dibdib ng lahat, diba?

Siguro sa mga oras na 'to, nasa Paris na ko. Nagselfie na ko sa CDG airport at pinost sa instagram. Hay! Nandoon na sana ko eh! Makakapag-aral na sana ko do'n kung hindi lang niya--ugh hindi ko maexplain 'yong nararamdaman ko. Naiinis, nagagalit, nasasaktan, napapagod, at nanghihinayang.

Natulog na lang ako at nagising ako sa pagkatok ni Stephen. 12:30 na pala ng tanghali.

"Julienne. Kain na tayo."

Ano pa bang ginagawa niya? Hindi din naman ako sasagot. Umaasa ba siya na kakausapin ko siya pagkatapos ng nalaman ko?

"Julienne."

Hinayaan ko lang siya do'n na tawagin ako hanggang sa nagsawa na siya.

Oo, wala naman na kong magagawa kasi, tapos na, wala na. Kaya lang 'yong malaman na tinago niya para hindi ako makaalis at magpanggap pa na concern siya at wala siyang alam, 'yon 'yong kinagagalit ko. Aba eh sino ba namang hindi magagalit do'n?--krrr krrr.

Aish. Gutom na ko.

Nagpunta ko sa pinto at pi nakiramdaman kung nandoon pa siya. Pero wala naman nang ingay kaya sa tingin ko umalis na siya. Dahan-dahan ko nang binuksan 'yong pinto. Ayoko namang magpakagutom ano.

You are the oneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon