Chapter 28 - Heartbeat

317 8 0
                                    

Chapter 28 - Heartbeat

[Julienne's POV]

Again, ngumiti siya at pinunasan yung luha ko. Stephen, umayos ka.. binabalaan kita. Mabilis akong mafall.

"Dry your tears. Are you going to face them with that teary eyes of yours?"

Ngumiti na din ako tapos lumabas kami. Ano bang binabalak niya?

Sakto naman na nakasalubong namin si Ms. Sandra at 'yong assistant niyang palaka.

Halatang umiiwas sila ng tingin sakin dahil sa nangyari kanina. Dapat lang!

"Ah.. h-hi Stephen! Want to eat with us? My treat."

"No it's okay. I'm going to eat with my wife."

"Oh. Okay."

"Wait."

"Huh?"

"If you're going to insult her, make sure that you're perfect enough not be judged."

"Ha? What are you saying?" Sus. Kunyari ka pa.

"She may not be perfect but she's still my wife and I won't allow anyone to talk rudely about her. And if you're judging her, aren't you also judging me for choosing her? I promised that I won't make her cry and I fcking hate to see her cry because of your words." Woah. Si Stephen ba 'to? Baka sinapian?

"What? I'm.. I'm really sorry. I don't mean to--"

"Hindi ka sakin dapat magsorry."

Tumingin sila sakin.

"I'm sorry, Julienne." Sabay nilang sabi. Hindi na ko nagsalita.

"Sandra, if you want me to accept your future invitations, respect my wife. You don't know her so it means.. you don't have the right to judge her that fast." Well, people nowadays.

"Ah.. oo. Sorry Stephen. Hindi na mauulit."

"Good. Let's go."

Pumasok na ulit kami sa dressing room.

"Ano? Okay ka na ba?"

"Hm. Salamat ah."

"Wag kang mag-isip ng kung ano. Ginawa ko lang 'yon dahil gusto ko, ako lang ang mang-aasar sayo."

Sabay talikod at inom ng tubig. Imbis na mainis ako sa sinabi niya, napangiti na lang ako. Hindi ko alam kung alin sa mga sinabi niya ang totoo pero masaya ko na dinefend niya ko.

Kahit na lahat 'yon, pagpapanggap lang, okay lang. At least kinampihan niya ko.

"Sa susunod na makarinig ka ng mga gano'ng bagay tungkol sayo, 'wag mo na lang pansinin."

"Hindi ko naman talaga pinapansin. Pero, this time hindi ko alam kung bakit naapektuhan ako. Madalas naman akong makarinig ng mga gano'ng bagay. Saka.. alam ko naman 'yon. Pero.. ang weird lang talaga na nasaktan ako sa mga narinig ko kanina."

"Kasi hindi ka naman bato. Alien ka pero hindi ka bato."

"Ano?" May halo pa talagang pangbubwisit.

"Sa susunod na may magpaiyak sayo, sabihin mo lang sakin. Akong bahala."

"At bakit?"

"Nangako ako kay Tito Francis na hindi kita paiiyakin at lalo namang hindi ako papayag na may ibang magpaiyak sayo." Ang cool ng pagkakasabi niya kaya parang tumalon palabas ng dibdib ko yung puso ko at nagsayaw na parang baliw. (Lol, ano daw?)

"Hay si Papa talaga. Pinilit ka niyang sabihin 'yon no?"

"Oo."

"Aish. So ibig sabihin, hindi ka sincere tungkol do'n."

You are the oneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon