Chapter 31 - Ilusyonadang Ely

252 4 0
                                    

Chapter 31 - Ilusyonadang Ely

[Julienne's POV]

Pagkatapos naming kumain, naglakad-lakad kami sa garden ng restaurant. Wala lang, nagpapahangin, nagkukwentuhan.

"Alam mo, nakakainis ka na talaga. Talaga ngang magkaibigan kayo ni Stephen. Lagi niyo kong pinagtitripan."

"Sabi ko, seryoso ako dun sa sinabi ko kanina. Bakit ba ayaw mong maniwala?"

"Kasi nga mahilig kang magbiro! Paano kung naniwala ako tapos joke lang pala?"

"Pero pa'no kung hindi ka naniwala tapos totoo pala?"

"Hay ewan. Ano ba kasing sinasabi mo diyan ha? Hindi kita maintindihan."

Saglit kaming natahimik. Naglalakad lang at dindadama ang simoy ng hangin. Hala Julienne, ang lalim!

Hay naku, pinangarap-ngarap ko na sana magustuhan din ako ni Tyrone. Oo, siguro nga gusto niya din ako pero as a friend lang. Ayoko kasi nang nagbibiro siya ng gano'n. Baka mamaya niyan, umasa ko.

"You know, I seriously think na kung hindi ka ipinakasal kay Stephen, we might be dating right now."

"Huh?" Napalingon ako. Ayan nanaman siya eh. Nilagyan pa niya ng 'I seriously think'. Tsch.

Pero nakita ko na mukha ngang seryoso na siya this time. Oh my god, natupad na ba ang matagal ko nang hiling?! Pero bakit ngayon?! Bakit ngayon kung kailan naman--Ugh.

"I really like your personality. Everytime na kasama kita, talagang napapangiti mo ko."

"Eh ang korny kaya ng mga jokes ko."

"Kahit na korny yung mga jokes mo, gusto ko pa ding tumawa para naman maisip mong naappreciate ko 'yong joke mo." He smiled.

"Pwede bang.. pakilinaw mo sakin kung ano 'yong gusto mong sabihin kasi hindi ko talaga magets." Sorry naging slow ako bigla.

"Ely, hindi ba, nagsasabi ka sakin ng mga sikreto mo?"

"Hm."

"Sinasabi ko din sayo 'yong mga sikreto ko. I'm really comfortable when I'm with you. Ikaw lang ang nag-iisang girl bestfriend ko." Aruy. 'Girl bestfriend zoned'. Yun lang. Napatigil nanaman ako sa pagiilusyon nang marinig ko 'yon.

"Basta, kapag may problema kayo ni Stephen, wag kang mahihiyang lumapit sakin."

Halatang iniiba na niya 'yong topic. Ayoko naman nang ungkatin pa 'yong topic kanina. Awkward na eh. Hayaan mo na nga.

"Hm." Nagfake smile na lang ako tapos ginulo niya yung buhok ko.

Kung sakali ngang.. 'yon ang maaaring mangyari kung hindi ako inarrange kay Stephen.. ugh! Buong buhay kong pagsisisihan! Bakit ba kasi kailangang iarrange pa ko sa halimaw na 'yon?! Bakit hindi na lang kay Tyrone?! Bakit ganito kalupit ang buhay?!

"Kapag.. nasasaktan ka, sabihin mo lang."

"Huh?"

"Alam kong, si Clarisse ang mahal ni Stephen. Matagal na. Alam ko ring, nahihirapan ka sa sitwasyon mo. Si Stephen, may pagkacold talaga siya minsan sa mga tao sa paligid niya. Kaya kapag pinaiyak ka ni Stephen, lagot siya sakin." He smiled at napangiti din ako.

Sobrang bait niya talaga. Sana, si Tyrone na lang. Hay.

"Alam kong, imposible talaga na magustuhan niya ko. Kanina nga lang, nalaman ko na sinabi ni Stephen na hindi niya kayang iwan si Clarisse para sakin."

"Don't expect him to do that. He's so in love with her."

"Oo naman 'no! Hindi naman ako umaasa na gagawin niya 'yon. Sino ba ko? Saka, okay lang no. Hindi ko din naman siya gusto. Ang totoo niyan, nalulungkot din ako para sa kaniya. Kasi, hindi sila completely na masaya dahil sakin."

You are the oneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon