Chapter 38 - Group project, huh?

251 7 0
                                    

Chapter 38 - Group project, huh?

[Julienne's POV]

Sumakay na kami sa kotse. Habang nasa daan pauwi ng bahay, tahimik lang pero maya-maya nagsalita si Stephen.

"Hoy alien."

"Ano?"

"Hindi ka pwedeng makipagkita sa kaniya nang hindi mo sinasabi sakin."

"Ano?!" At bakit?!

"Nasa rules na kapag aalis, dapat magpapaalam diba?" Oo nga pala.

"Oo na. Sige. Tsch."

"Ano bang nagustuhan mo sa taong 'yon? Ang simple-simple naman niya. Tsch."

"Eh ano namang pakialam mo do'n? Bukod sa magaling siyang kumanta, mabait din siya."

"Wala namang special tungkol do'n."

"Hay ewan ko sayo. Tignan mo nga, sinabi niya sakin na gusto niya din pala ko! Kung hindi sila umalis papuntang U.S. siguro.. siguro--"

"Siguro ano?" Teka galit ba siya?!

"Siguro nabigyan kami ng chance. Sayang--"

"Kahit naman maging kayo, sa huli ipapakasal ka pa din sakin. Tss."

"Alam ko naman 'yon! Kahit ano pa man 'yong mangyari, ipapakasal pa din nila tayong dalawa. Hay."

Kinabukasan, sa Brennan.

Ang boring. Hay ang boring talaga! Halos wala naman kaming ginagawa. Nakatunganga lang, kwentuhan, tawanan, asaran.

Maya-maya nagtext si Stephen.

'Hey Alien. I won't be able to fetch you after your class. You can go home on your own, right? Okay bye.'

'Bakit? Anong gagawin mo?'

'We'll have to finish our group project today.'

'Okay.'

Tsch.

"Julienne." Tawag sakin ni Shane.

"Oh?"

"Gusto mong sumama mamaya?"

"Saan?"

"Sa Draven. Naalala mo? Si George? Doon siya nag-aaral. Magkikita kami mamaya."

"At bakit naman ako sasama sa date niyong dalawa?"

"Magkikita lang naman kami! Hindi kami magdedate! Saka, dalawin mo lang din do'n si Stephen! I-surprise mo!"

"Ayoko nga."

"Dali na! Isasama din natin si Eulla! Saka.. para makilala niyo na din so George. Huh?"

"Hay. Sige sige! Sige na!" Tama. Para makilala din namin siya.

After class, nagmamadali kaming hinila ni Shane tapos nagtaxi na lang kami papuntang Draven.

Pwedeng pumasok sa loob basta mag-iiwan ka ng ID doon sa guard.

Nagpunta kami sa garden dahil dito sila magkikita. Woah! Napakalaki at napakaganda naman pala talaga ng Draven! Bagay dito 'yong mga kagaya ni Stephen. Mga anak mayaman na mukhang spoiled brat.

"Alam mo ba kung nasaan si Stephen? Tawagan mo kaya, sabihin mo nandito ka." -Eulla

"Wag na. Baka busy din 'yon. Ang sabi niya kasi tatapusin nila ngayon 'yong group project nila."

"Kahit na!"

"Wag na!"

"Oh! Hi George!" Dumating na siya at binati kami. Binati na din namin siya.

You are the oneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon