Chapter 71 - Saved by the bell

338 7 3
                                    

Chapter 71 - Saved by the bell

[Julienne's POV]

Habang kumukuha ako ng pagkain, nagtext si Stephen na nandoon na daw siya.

"Just arrived. Eat your dinner. :)"

"Ito na, kakain na. 'Yong bilin ko ah?"

"Yes boss."

Napangiti ako na parang ewan. Hay nako, Ely.

Kumain ako ng dinner nang mag-isa--ay hindi, kumakain din pala si Cider doon.

9PM na, nakahiga na ko sa kama at nakatitig lang sa kisame kasi hindi ako makatulog. Parang sinasabi ng utak ko na hintayin kong makauwi si Stephen.

Sinubukan kong matulog. Nagpaikot-ikot na ko sa kama at nagbilang ng tupa pero wala pa ring epekto kaya bumangon na ko at lumabas ng bahay para hintayin si Stephen. Naupo ako sa bench nang yakap 'yong dalawa kong tuhod dahil sa lamig.

Ang sabi ko wag masyadong magpapagabi eh! At ito nanaman ako, parang asong hinihintay siyang umuwi.

Lumapit sakin si Cider at naglambing.

"Tawagan ko na kaya siya? Hay baka naman nandoon pa at maistorbo ko lang 'yong bonding nila."

Yumuko na lang ako sa tuhod ko. Pauwi na din siguro 'yon.

--

"Uggh!" Kinapa ko 'yong phone ko sa side table at pinatay 'yong alarm. Naupo ako sa kama na gulo-gulo pa 'yong buhok--sandali nga lang! Paano ako napunta sa kwarto ko?! Si Stephen?

Bumangon ako pero nang mapadaan ako sa salamin, nakita ko kung gaano kagulo 'yong itsura ko kaya naghilamos at nagsuklay muna ko bago lumabas ng kwarto. Baka kapag nakita niya kong gano'n, pagtawanan nanaman ako.

Sumilip ako sa kwarto niya, wala siya. Pumunta ko sa kusina, wala din siya.

Oh? Nasa'n na 'yon? Umuwi ba siya? Kung hindi, paano ako napunta sa kwarto ko? Ano 'yon? Naglakad ako nang tulog?

"Stephen? Stepheeen?"

Walang sumasagot. Hala, wala nga siya?

"Ay kabayong tulog! Ugh!" Paglingon ko kasi, nandoon na siya bigla. Para naman 'tong kabute!

"Bakit ka ba sumisigaw diyan?"

"Sa'n ka ba nanggaling?"

"C.R., bakit? Miss mo ko agad?"

"Tsch. Anong oras ka nakauwi?"

"Ah.. 10PM?"

"Nakatulog ako doon sa bench 'no?"

"Ano pa nga ba? Binuhat kita papunta sa kwarto mo. Ang bigat! Akala ko matatanggal na 'yong braso ko eh."

"Ang OA naman nito--"

"Bakit ba kasi doon ka natulog ha? Para kang pulubi. Wala ka bang kwarto?"

"Ah.. hindi kasi ako makatulog kaya hinintay na lang kita. Tapos doon naman pala ko nakatulog sa labas."

"Tsch. Para kang bata. Tara, magluto na tayo ng almusal." Hinila na niya ko.

"Gusto mo bang mamili tayo ng groceries mamayang hapon saka pati ng mga kailangan mong dalhin bukas?"

"Sure."

Hinatid na niya ko sa Brennan. Pagkapasok na pagkapasok ko pa lang, nakita ko na agad si Tyrone at naalala ko nanaman 'yong pagkacareless ko sa pagsasalita kahapon kaya naman nagtago agad ako.

You are the oneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon