Chapter 36 - Annoyed about everything
[Julienne's POV]
Syempre naman, malaki ang chance na makasalubong namin siya dito.
Hihilahin ko palang yung kamay ko pero biglang nagsalita si Clarisse.
"Nandito ka pala." Sabi niya.
"Hm. Niyaya kasi ako ni Julienne." At ito namang si Stephen, wala ba siyang balak na bitawan 'yong kamay ko kahit na nasa harap namin si Clarisse?
"Ah. I'm glad to see you here. Uuwi na ba kayo?"
"Hm. Dadalaw kami kina Mommy."
"Ooh. Pupunta pala kayo kina Tita.
Naiinis na ko sa pagpapanggap niyang mabait. Tsch.
Ano bang ginagawa niya? Ngumingiti pa siya? Nagpapanggap ba siyang mabait sa harap ni Stephen?
Akala ko din mabait siya. Pero hindi ko na din ngayon maintindihan 'yong ugali niya.
At nagpapanggap ba silang dalawa sa harap ko? Nagpapanggap na walang mali? Na okay lang? Tsch.
"Teka." Sabi ko. "Hindi niyo naman kailangang magpanggap ng ganyan sa harap ko."
"Ano?" -Stephen
"Alam ko naman kung.. anong meron kayo kaya hindi niyo kailangang magpanggap na magkaibigan lang kayo dahil lang nandito ako."
"Well that's good, then." Sabi ni Clarisse sabay ngiti. Ngiti na nakakainis para sakin.
"At least you know your place." Ako? Place? Hindi naman sa pagiging masama pero hindi ba dapat ako ang nagsabi no'n sa kaniya?
Pero wala na kong nasabi. Siguro dahil ayoko nang makipagtalo.
"Ohmygod." Rinig kong sabi ni Shane mula sa isang gilid. Kasama niya si Eulla. Halatang nagulat sila sa nakita nila. Maya-maya pa, nakita ko si Tyrone at tumabi siya sa kanila.
"Ah.. Stephen can we have a dinner together tonight?" Sabi niya.
"May pupuntahan pa kami." Sabi ko. Diba sinabi na ni Stephen na pupunta kami kina Mommy Becca? Hindi ba siya nakakaintindi?
"Dinner?" -Stephen
"Hm."
"Well I guess, pwede siguro pero sandali lang--"
"Ano?!" As expected, pinili nanaman niya si Clarisse.
"Ugh. Ibang klase talaga." -Eulla
"Ihahatid na muna kita. Sandali lang ako. Pagkauwi ko, saka tayo dumalaw kina Mama--"
"Hindi na. Uuwi na lang ako mag-isa." Tumingin ako kay Clarisse at nagsmirk siya. Naglakad na ko palayo.
Lumakad nang hindi alam kung saan ako pupunta. Naiinis ako, gusto kong sumigaw, gusto kong manapak, gusto kong mambato. Ugh!
Isang aya lang ni Clarisse, oo agad. Samantalang kapag ako, kailangan ko pa siyang pilitin hanggang sa mainis siya. Aish! Julienne, ano ba'ng bago do'n?!
Tumigil ako sa paglalakad at tinadyak-tadyakan yung sahig hanggang sa hingalin ako.
"AH! Wala ka talagang kwenta! Napakasama mo! Nakakainis ka! Nakakainis kaaa!!"
"Ely?" -Shane
"Okay ka lang?" -Ely
"The floor won't react kapag sinipa mo siya at sinigawan. So, go ahead. But if someone else saw you like that, they would think you're insane. -Tyrone
BINABASA MO ANG
You are the one
RomancePaano kung paggising mo isang umaga, malaman mo na lang na ikakasal ka na pala sa taong hindi mo naman kilala? Dalawang magkaibang mundo ang pilit na pinagtagpo. Dalawang taong pinagtagpo nang dahil sa isang kasunduang nabuo. Magkasundo kaya sila? O...