Chapter 16 - Ate Diana, the fairy godmother

328 8 0
                                    

Chapter 16 - Ate Diana, the fairy godmother

[Julienne's POV]

Pumunta kami sa kusina at nagkwentuhan habang kumakain. Eh hanggang ngayon natatawa pa di talaga ko pero napipigilan ko naman na, nakakahiya kay ate Diana.

"So, I went to new york 3 years ago. We're really close. Sayang nga dahil hindi ako nakauwi sa araw ng kasal niyong dalawa. Kaya nga pinilit ko talagang makauwi para macongratulate kayo at makilala na din kita. It's really nice to meet you, Julienne." She smiled. Ang ganda niya.

"Ah.. nice to meet you din po, ate Diana."

Ang sabi din niya, 4 years older siya kay Stephen. Dahil walang kapatid si Stephen, si Ate Diana 'yong tumayong ate niya mula pagkabata bago siya pumuntang New York.

"So, anong oras nga pala uuwi sina Tita?"

"I don't know. Gabi na din kaya siguro pauwi na sila. Tinawagan mo ba?" -Stephen

"No. I want to surprise them eh. So, Julienne, how's living with my cousin huh?"

"Po? Ah.. okay naman. Okay naman po kami."

"Buti naman. Kasi I heard the story behind this marriage. Alam ko din 'yon so I'm worried na baka hindi magwork. Pero mukha namang okay kayo."

Mukha lang po. Ngumiti na lang kami ni Stephen at uminom ako ng orange juice.

"I hope, kahit na arranged lang kayong dalawa, matutunan niyo pa ding mahalin ang isa't-isa. Wag niyong sayangin ang chance okay?"

Nakakatawa. Ano bang pinagsasabi niya? Hay.

Marami pa kaming napagkwentuhan. Noong bata daw si Stephen talagang marami nang nagkakagusto sa kaniya. Madami din siyang pinaiyak kahit noong elementary siya. Wow.

"Talaga?" Natatawa kong sabi habang seryosong nakikinig. Si Stephen naman, hindi kumikibo.

"Tapos one time, may babaeng nagconfess sa kaniya sa playground ng school, pero alam mo kung anong ginawa niya?"

"Ano?"

"Ang sabi niya 'Nakakahiya ka. Umuwi ka na. Punasan mi muna 'yang sipon mo' Grabe siya."

"Sinabi niya 'yon?!" Tapos tawa na ko ng tawa. "Grabe, bata ka palang, masama na talaga 'yong ugali mo. Hindi na ko nagtataka kung bakit ganyan ka ngayon." Natatawa ko pang sabi. Ang sama talaga. Whew. Namumula na yata ako kakatawa.

"He's really a heartthrob eh. Talagang maraming may gusto sa kaniya. Parang celebrity. Pero.. he has a friend.. ahm.. what's her name again? Ah! Clarisse!"

Napatigil ako bigla at napatingin kay ate Diana.

"She's always helping Stephen from those girls na habol ng habol sa kaniya at sinasabing girlfriend siya ni Stephen kaya layuan na niya siya. I think talagang close silang dalawa. Ang cute nga nilang tignan noon eh. And ang alam ko kasi.. may gusto si Stephen kay Clarisse no'ng bata siya. Diba?" Tanong niya kay Stephen. Napatingin din ako sa kaniya. Umiinom siya ng juice.

"Ate, matagal na 'yon. And why do you have to talk about that in front of her?"

"Oh. I'm sorry." Sabay smile.

"Okay lang po. Kilala ko din po si Clarisse eh."

"Oh! So, nagkakilala na din pala kayo. She's really pretty, isn't she?"

"Ugh. Opo. Mula ulo hanggang paa talagang maganda siya." Kaya nga wala akong laban sa kaniya eh.

"Hm. But.. you're beautiful too! One time, isasama kitang magshopping at bibili tayo ng magagandang damit for you."

You are the oneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon