Chapter 15 - Penpen

300 6 0
                                    

Chapter 15 - Penpen

[Julienne's POV]

Lumipas ang mga araw at okay naman ako sa pagtira ko sa bahay nina Stephen. Minsan naa-amaze pa din ako sa lifestyle nila pero unti-unti, nasasanay na din ako.

Nasasanay na din ako sa mga taong laging nakatingin sakin at mayamaya magbubulungan. Minsan naman biglang may sasalubong at babatiin ako.

Kami ni Clarisse, kapag nagkakasalubungan, magitinginan lang tapos wala na. Sa tingin ko may sama talaga siya ng loob sakin. Natural dahil lagi akong kasama ni Stephen.

Speaking of Stephen, kahit papa'no kumportable na din ako na lagi kong nakikita ang gwapo niyang mukha at nasasanay na din ako sa pambubwisit niya mula umaga hanggang gabi.

Pero syempre, lagi pa din naman silang magkasama ni Clarisse. Kahit hindi niya sabihin alam ko na 'yon. Basta kapag hapon na or ginabi siya ng uwi, it's either kasama niya sina Drake, Patrick at si Tyrone o kaya naman si Clarisse. Pero pwede namang kasama niya silang apat or silang dalawa lang ni Clarisse. Wel, that's no big deal.

Pagkauwi ko sa bahay galing Brennan, nagbihis agad ako at bumaba. Oo nga pala, 'yong strawberry ice cream! Kakainin ko na! Sayang din 'yon ah!

Pagkarating ko sa kusina para kainin.. anak ng tokwa!

"Stephen!"

"Oh ano?"

"Hoy akin 'yan ah!"

Kinakain niya yung ice cream! Ugh talaga naman! Lahat na lang ng kilos niya maiinis ako?!

"Sayo? Nasa ref 'to, dito ako nakatira kaya ibig sabihin kung ano yung nasa loob ng ref na 'to, pwede kong galawin. Pero.. sige. Kawawa ka naman. Maghati na tayo."

Sinamaan ko siya ng tingin. Sige na nga! Gusto ko ng strawberry ice cream kaya kahit kahati ko siya, papatusin ko na!

Kumuha ako ng kutsara ko at umupo sa harap niya tapos pinaghatian namin 'yong ice cream. Doon na mismo sa lalagyan kami kumain. Hm! Ang sarap talaga!

"Pa'no mo ba naging favorite ang strawberry?" Tanong niya.

"Hmm.. hindi ko na matandaan eh. Basta ang alam ko, bata pa lang ako gusto ko na 'to. Kaya hanggang ngayon, favorite ko pa rin. Ewan ko ba. Hindi talaga ko nagsasawa sa strawberry eh."

"Hm."

"Ikaw ba--Ugh! Alam ko na! May naisip ako!"

"Ano nanaman 'yon?"

"Magtanungan tayo! Para naman.. mas magkakilala tayong dalawa. Diba? Para marami na din tayong alam na bagay tungkol sa isa't-isa."

Tamang tama. Tutal magkaharapan na kami ngayon at kinakain namin 'yong strawberry ice cream 'KO', susulitin ko na 'to! Maganda kung mas makikilala namin ang isa't-isa, hindi ba? Para maging mas kumportable na kami sa presence ng isa't-isa.

"Hm. Sige. Ikaw mag-umpisa."

"Hmm.. may mga favorites ka din ba?"

"Wala."

"Wala? Wala kang gusto o.. 'yong bagay na gustong-gusto mo?"

"Ah. Fried Chicken."

"Hm! Mahilig ka pala sa fried chicken. Gusto ko naman ng hipon. Mahilig ako sa tempura eh. Ikaw?"

"Allergic ako sa seafoods."

"Ugh! Talaga? Kung gano'n hindi ka din kumakain ng isda?"

"No. Actually sa hipon lang." Hipon lang pala eh bakit sabi niya, seafoods? Tsch.

You are the oneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon