Chapter 82 - Butterfly effect
[Julienne's POV]
Umuwi kami sa bahay at okay na ulit ako. Pero syempre, may bagay pa din na gumugulo sa utak ko.
Papasok na san ako sa kwarto pero tinawag niya ko kaya nilingon ko siya.
"Julienne."
"Huh?"
"Okay ka na ba? Okay na, diba?"
"Ugh. Oo" I smiled tapos pumasok na ko sa kwarto.
Nakahiga lang ako sa kama at nakatitig sa wedding ring. Malapit ko na ding hubarin 'to ng.. totoo.
"Twinkle, sa tingin mo ba, ito na talaga 'yong tama? ito na talaga 'yong dapat?"
Kinabukasan.
"Ohmygod?! Seryoso?" Hindi sila makapaniwala nang kinuwento ko kung anong nangyari kagabi.
"Eh kamusta na daw siya ngayon?" -Eulla
"Hindi ko alam pero kagabi, ang sabi okay na siya."
"Sayang hindi pa siya natuluyan."
"Shane!"
"Alam mo ikaw, minsan ang sarap mong batukan dahil sa kakaganyan mo. Bilib din ako sayo. Imbis na matuwa ka na naaksidente 'yong karibal mo, sobrang nag-aalala ka pa." -Eulla
"Eh kasi kapag.. may nangyaring masama kay Clarisse, mag-aalala si Stephen saka, malulungkot siya."
Nagtinginan sila at sabay na umiling.
"Kagabi nga lang, nakita ko kung paano siya mag-alala kay Clarisse eh. Wala talaga, hindi ko talaga 'yon kayang pantayan."
"So, gano'n na lang? Susuko ka na lang?" -Eulla
Ngumiti na lang ako at nagbasa na ng notes. May long quiz kasi kami ngayon.
**
"Minsan kasi, may mga bagay din tayong kailangang isuko. May mga bagay na kailangan nating pakawalan para sa mas ikabubuti natin, o ng sitwasyon. Sabi nga, sometimes, letting go is the only way to heal. Kasi, why would you keep on holding on to something that hurts you? Hindi ba dapat, kung nasasaktan ka na, tigilan mo na? Kapag hindi ka na masaya, umalis ka na? Kasi ako, naniniwala ako na everything happens for a reason. Bawat nangyayari satin, araw-araw, ay may dahilan. Hindi mo man alam ngayon pero, malalaman mo din kung ano 'yon. Pero bago ka maglet-go, mag-isip ka muna. Mag-isip ka ng mabuti kung 'yon na ba talaga ang gusto mong gawin. Isipin mo din ang mga magiging consequences kung sakaling mag-let go ka na. You need to know that life is not always perfect."
Hay ano ba naman 'yan. Bakit naman ganito 'yong lesson namin ngayon? Naghuhugot pa 'tong si Ma'am. Pero, may point lahat ng sinabi niya, in fairness.
Na-gets ko na. Tama. Gano'n nga.
"Ms. Larosa--Ah, I mean, Mrs. Prieto, uma-agree ka ba? I saw you nodding." Aish.
"Ah.. opo."
"Good."
No'ng nilingon ko sila, tinignan nila ko na parang pumatay ako ng tao. Hay ano nanaman bang ginawa ko? Nginitian ko na lang sila at bumalik na sa pakikinig.
Vacant.
Kumakain kami sa cafeteria.
"Hoy." -Eulla
"Hm?"
"Okay ka lang?"
"Bakit?"
"Ang weird mo kasi. Parang meron kang malalim na iniisip eh. Dahil ba nag-away nanaman kayo ni Stephen? Pero diba, okay na ulit kayo?"
BINABASA MO ANG
You are the one
RomancePaano kung paggising mo isang umaga, malaman mo na lang na ikakasal ka na pala sa taong hindi mo naman kilala? Dalawang magkaibang mundo ang pilit na pinagtagpo. Dalawang taong pinagtagpo nang dahil sa isang kasunduang nabuo. Magkasundo kaya sila? O...