Chapter 49 - Shoulder to lean on

269 6 0
                                    

Chapter 49 - Shoulder to lean on

[Julienne's POV]

"Julienne. Ano bang ginagawa mo?"

Lumingon kaming dalawa. Ugh. Si Stephen? Anong ginagawa niya dito?!

Naglakad siya palapit samin.

"Tumayo ka diyan."

"Ayoko."

"Julienne."

"Ayoko."

"Julienne!"

"Ayoko nga sabi!"

"Hoy! Nandiyan na si Ma'am!" Ano? Sinong ma'am?

Napadilat ako nang may humampas sa likod ko. Ugh!

Tumgin ako sa paligid ko. Nasa classroom ako.

Ang ibig sabihin no'n, panaginip lang 'yon?!

"Hoy! Ano ka ba? Nagpuyat ka ba ha? Kanina ka pa tulog diyan. Buti na lang hindi ka nakita ni Ma'am. Second subject na kaya!" -Shane

"Ugh. Talaga? Gano'n na ba katagal 'yong tulog ko?"

"Hay ewan ko sayo." -Eulla

Whew. Panaginip lang pala. Hindi ko gagawin 'yon 'no napakaimposible! Hindi ako luluhod sa harap ni Clarisse para magmakaawang tigilan na niya kami ni Stephen! Nasa matinong pag-iisip pa ko!

"Oh bakit ganyan 'yang itsura mo? Para kang nakakita ng multo." -Shane

"Ha? Ah.. wala. Teka. Nasa itsura ko ba na luluhod sa harap ni Clarisse para magmakaawa na layuan na niya si Stephen?"

"Ano?" Sabay nilang sabi at sabay silang tumawa ng malakas.

"Ano bang nangyayari sayo? Nalipasan ka ba ng gutom o ano?" -Shane

"Sa ugali mo, hindi malayo na gawin mo nga 'yon. Kilala ka namin." -Eulla

"Talaga? Mukha bang gagawin ko 'yon?"

"Bakit? Gagawin mo?" -Shane

"Hindi! Syempre hindi! Bakit naman ako luluhod sa harap niya? Kumpleto pa 'yong mga turnilyo sa utak ko kaya bakit ko naman gagawin 'yon? Hindi ko ipapahiya 'yong sarili ko no."

"Eh hindi naman pala eh. Bakit tinatanong mo?" -Eulla

"Napanaginipan ko kasi na ginawa ko 'yon."

"Ugh! Oh anong nangyari?" -Shane

"Pinuntahan ko siya sa cafeteria at nagmamakaawa ako na layuan na niya si Stephen. Wala siyang sinabing oo, at wala din naman siyang sinabing hindi. Tapos biglang dumating si Stephen at pinapatayo ako. Tapos ayun, nagising na ko."

"Naku buti na lang pala nagising ka agad. Baka mamaya ang ending pala ng panaginip mo, iniwan ka nila at hinayaang nakaluhod do'n. Ang tragic diba?" -Eulla

Tinignan ko lang siya. Tama bang dugtungan pa 'yong panaginip ko ng gano'ng klaseng ending?

Basta! Sigurado naman ako na hindi ko 'yon gagawin!

Sinubukan ko na maging normal pa din 'tong araw ko pero hindi ko magawa dahil sa mga matang nakatingin sa 'kin at sa mga tsismosang estudyante ng Brennan.

"Alam mo ba 'yong balita tungkol kay Julienne at Stephen?"

"Oo nabalitaan ko din. Grabe no? Ikinasal nga siya sa isang Prieto pero, niloloko naman pala siya. Tsk. Kawawa naman."

Naririnig kong may dalawang nag-uusap sa labas. Nasa loob ako ng cubicle. Palabas na sana ko pero narinig ko sila kaya hindi muna ko lumabas.

"Kaya ang hirap mainlove sa gwapo eh, marami kasing babae ang maghahabol."

You are the oneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon